Pag-aari ng pamiliyang Santos ang Bakery 1528.
Ang pamilyang Santos ay may tatlong anak. Si Mayra at Clara ay anak ni Criselda sa unang asawa, at si Diana, ang pinakabata, ay ang tunay na anak ni Domingo. Balo si Domingo. Ang ina ni Diana ang dating nagmamay-ari ng Bakery 1528.
“Tatay, ano po ba ang hulma ng cake na gagawin ko para bukas sa anniversary?”
“Bahala ka anak, basta kulay puti ang gusto ng mag-asawang Zoan.”
“Ah sige po. Marahil ay hugis puso ang gagawin ko para sa kanila.”
“Mabuti pa nga.”
“Ang arte arte mo naman, tatanong-tanong ka pa, e ikaw din pala ang sasagot sa tanong mo,” ang pasaring na bulong ni Myra.
“Ano ba ang gusto mo Ate?”
“Ewan!” Pasigaw ni Myra.
Si Clara naman ay kain ng kain ng mga panindang tinapay sa bakery, habang pinupuno ni Criselda ang plato ng iba’t – ibang masasarap na pastry at mga tinapay.
“Myra, ano ang gusto mong ipa-bake kay Diana?”
“Mommy, gusto ko po ng chocolate cake na maraming bulaklak.”
Sige anak. Hoy! Diana igawa mo nga ng chocolate cake itong mga kapatid mo!”
“Opo, Tiya.”
Kahit pagod sa pagluluto si Diana ay sunod pa rin sa nanay-nanayan. Si Diana lamang at walang katulong ang nagtatrabahao sa Bakery 1528. Minsan tinutulungan siya ni Mang Domingo.
Ngunit madalas ay siya lamang sapagkat ayaw ni Criselda na siya ay mag-amoy pugon.
Minsan nag-bake si Diana ng cake para sa kaarawan ng ama. Nakita ito ni Cirselda at ni Myra. Inggit na inggit ang mag-ina.
“Wow! Ano yan?” Tanong ni Criselda.
“Cake po para kay Tatay.”
Nginudgod ni Criselda si Diana at isinubsob ni Myra sa cake na ginawa.
Humagulhol ng malakas si Diana at sumigaw ng “Inay ko po. Nanay, Nanay!”
Nakita sila ni Clara ngunit wala naming magawa sa hindi maawat na pananakit nina Criselda at Myra.
Maya-maya umusok ang pugon. Tumunog at nag-ingay ang oven, nagsi-galaw ang mga hulmahan ng cake.
Ang ilaw ay patay-sindi, at ang icing sa mga cake ay nangagsi-tunaw.
Ang icing ay tumalsik sa mukha at dumikit kina Criselda at Myra, hanggang sa hindi sila ay tinabunang parang tinapay
“Patawad po, patawad po,” ang sigaw ni Clara.
“Inay, tama napo – bayaan ninyo na sila, bahala na ang Langit” sabi ni Diana
Nagpumilit tumayo si Criselda at Myra at takot na takot na lumabas sa bakery 1528.
Mula noon ay nagbago ang mag-ina sa pagtrato kay Diana. Ang bakery 1528 ay nagkaroon naman ng marami pang ibat-ibang cake sa tulong ng Ispirito sa cake.
/rose flores martinez, 08062006
http"//iwrotefiction.blogspot.com
No comments:
Post a Comment