Posts

Showing posts from November, 2013

REBECCA

Image
REBECCA
















Kuwento ni Rose Flores – Martinez



30 Piling Kuwento 2003



Editor: Danilo S.Meneses



Introduksiyon ni : Reynaldo S. Duque









Makikita pa rin ang maraming bundok sa daan papuntang Bicol. Hindi maikakaila ang masukal na mga lugar. Sa bintanang salamin ay matatanaw ang lumang simbahan, na parang makapapasong tingkad ng liwanag, dala ng sinag ng pusyawing asul na ilaw ng krus sa gilid ng bundok.









Hindi ko maitago ang pagkamangha sa ganda ng kislap ng pusyawing asul na ilaw ng krus, hindi rin makapagsisinungaling ang aking damdamin.









Maganda nga, napakaganda ng kinang ng liwanag, ngunit sayang at hindi ko man lamang nadama ang hiwaga nito. Malamig ang dampi ng hangin sa paligid, may init ang sinag ng pusyawing asul na ilaw – katulad ng magkahalong lungkot at saya na aking nararamdama. Kung hindi nga lamang dahil kay Lola Basya …









Ano iyon? Mga ibong gubat? Marami pa ring ang mga kikik na nakakubli sa hinganteng mga punong kahoy sa gilid ng kabunkukang aming dinaraanan, pumupuno sa puwang n…