Wednesday, November 18, 2009

Mata Sa Bintana

Mata Sa Bintana

Sabi ng katulong naming si Ate Liza, kapag hindi raw ako natulog ng maaga ay may dudungaw sa bintanang mga mata.

Sino? Mata ba ni Spiderman o mata ni Bubbles ng Power Puff?

“Hindi raw nakakatawa dahil mga mata raw ng White Lady.”

Sa bahay kasi, laging pinagbibintangan ang White Lady, dahil sa White Lady… Minsan naawa na ako sa White Lady. Siguro kung makapagssasalita lang siya, lagot silang lahat. Ako lang ang kaibigna ng White Lady.

Minsan, nawala ang pera ni Tiya Azon, at wala naming pumasok na ibang tao sa bahay. Nag-usap usap sila.

Sino ang kumuha? Wala naman, may nagtago raw.

Pagkapos isang gabi sabi ni Tiya Azon may isang babaeng mahaba ang buhok sa paanan ng kanyang kama. Mala-rosas ang mga mata, na gustong makipagti-titigan, sabay naglahong mabilis. Nakatinging raw sa kay Tiya Azon. Kung ganon hindi lamang kami ang nakatira sa bahay. Mabuti malaki ang bahay dahil pati ang White Lady at ang kanyang pamilya ay may magandang tirahan. Lumaki ako sa ganitong kapaligiran.

Isang gabi tumitingin ako sa album ni Tiya Aon. Naramdaman kong malamig at mainit sa silid niya. Nag-jacket ako, pag-katapos hinubad itong muli para buksan ang electric fan.

Binalikan ko ang mga larawan at nakita kong ito ay nasa ilalim nang kama at wala na sa tabi ko.

Ininilipad ba ito ng electric fan?

“Ate Liza” matututlog na ako. Halika at samahan mo akong matulog.”

Mula noon, abot langit ang aking dasal para sa mga kaluluwa, para sa maga ispiritu, para sa mga White Lady. Marahil sa takot.

Bilog ang buwan. Sa azoteya ako nakatulog – nanaginip ako, may mata sa azoteya. Ityon na yata ang sinasabi ni Ate Liza…

.Umusok sa paligid ng itim, , may malaking mama, walang mukha. Hindi ako makahinga, wari’y ungol ng ungol para magising. Alam ko ako’y natutulog, alam ko ako ay binbangungot.

Kahit sa pikit kong mga mata at tulog na katawan, sa aking isip ako ay gising. Paulit-ulit kong dinasal ang Aba Ginoong Maria at isinigaw ang Lord! Jesus! Jesus!

Dito bumalikwas ako sa gising. Parang sinuntok ng malakas at naglaho ang maitim na mama sa aking panaginip.

Wala nang mata sa bintana.

Wala na ang White Lady.

Marahil kung ano man ang kailangan nila dito sa aming bhay, hindi ko alam – at hindi na importante.

Ang sabi ko sa aking mga kasambahay, kay Tiya Azon, at kay Ate Liza ay magdasal sila, ipagdasal ang mga taong hindi natin nakikita. Dasal ang kailangan ng mga mata sa bintana. Dasal ang kailangan nating lahat.

8.11.2006
copyright rose flores martinez
revised 11.19.2009

Sa Gulod ng Making

Sa Gulod ng Makiling

Sa gulod ng Makiling ay maraming kakakibang bulaklak. Mala-bahaghari ang mga kulay nito, at iba’t ibang klase ang mga bulaklak. Ang kuwento ng mga taga-makiling ay may matandang maputi ang buhok na nagdidilig ng mga bulaklak tuwing hatinggabi.

Minsan may isang dalagang pumitas ng abuhing makintab na mga rosas. Ibinigay raw ito ng dalaga sa Nanay niyang may sakit. Gumaling ang Nanay. Ang pinag-pitasan ng mga abuhing rosas ay nagkaroon pa ng maraming suloy at mga sanga.

Tuwang-tuwang raw ang matandang sa gulod.

Minsan naman ay isang bata ang kumuha ng mga orchids para ipalamuti sa grotto ni Santa Maria sa kanilang bahay. Umusbong raw sa paligid ng bakuran ang mga orchids. Tuwang-tuwa uli ang matanda at lalong walang patid ang pagdidilig gabi-gabi. Marami raw ang nakakakita sa ibayong pagdidilig ng matanda na mga taga-Makiling.

Takot lamang silang lumapit dahil kapag nagdidilig raw ang matanda ay madulas sa gulod at may napipilayan sa pagkakadapa. Nahihirapang makalakad muli.

Ngunit minsan isang hapon ay may isang binatang dayuhang pumitas ng mga bulaklak at inialay sa isang kasintahang dalaga. Ang pinagpitasan raw nito ay nangamatay. Bumaho raw ang paligid ng isang araw. Ang dalagang pinagbigyan ay nagka-sakit ay namatay ng tuluyan. Ang dahilan: Hindi nagging tapat ang binata sa dalaga. Hindi nila alam ang nangyari sa binata at may balitang nawala siya sa kanilang tirahan.

Kaya ingat na ingat ang mga taga-Makiling pumitas ng mga bulaklak sa gulod sapagkat magkamali raw ng pagbibigyan o ang magibibgay ay may kasamang mahigpit na babala ang matandang nagdidilig gabi-gabi.

Nag-usyoso ako sa gulod. Sinubukan kong pumitas ng isang malusog at kaakit-akit na bulaklak. Naghintay ako ng dilim, wala naming tao. Marami pa akong pinitas, para akong namili galing Baguio o Dangwa.

Itinanim ko sa bahay ampunan ng mga madre ang ibang sanga. Sabi sa bahay ampunan lumago raw ang mga itinanim na bulaklak at inaalagaang mabuti ng mga bata. Pagbalik ko sa gulod nakita ko ang pinagkunang lalong sagana sa bulaklak. Totoong ngang nakabungad ang kumpol kumpol na mga bulaklak at maraming basang damit sa gilid. Kinuha ko ang ilang damit. Dinala ko sa mga madre. At simula noon tuluyang nawala na raw ang matanda sa gulod.

Aug 18, 2006
copyright Rose Flores - Martinez
revised 11.19.2009

Monday, November 16, 2009

Microscope

Microscope

Isang antique na microscope ang pamana ni Lolo Eseng kay Nina. Bukod sa kanilang bahay at sa matandang microscope, ay wala na. Walang sakahang lupa, walang salapi, walang ginto.

“Si Lolo naman bakit pa ang microscope na ito and pinamana sa amin. Aanhin ko ba ito sa tabing dagat?”

“Saklawin mo raw ng iyong pananaw ang dagat,” sabi ni Aling Chari.

“Hay naku Inay, buti pa ipagbili natin. Kikita pa tayo at makadadagdag sa ating paninda.”

“Naku, huwag! Baka multuhin ka ng Lolo mo, sige.”

Nagtawanan ang mag-ina.

Naglilinis si Nina araw-araw katulong ni Aling Chari. Sa tuwina pinupunasan niya ang microscope. Pagkatapos ay susulong si Nina sa pagtitinda sa kaning maliit na tindahan.

“Mang Paolo kumusta naman ang huli ngayon?”

“Mabuti-buti naman Nina. Payapa ang dagat. Alam mo balita ng mga kababaihan ay marami raw turistang dadalaw dito sa atin.”

“Talaga? Bakit naman?”

“Baka maghahanap ng mga kabibe! Hahahah!”

Kinabukasan nga padating si Mang Paolo at may mga kasama. Dumating ang mga turista. Merong Hapon at may Amerikano. Sa mga hitsura nila ay may seryosong pakay sa dagat. May mga kasamang trabahador. Hinukay nila ang buhangin, sa paligid. Ang iba wari ay manghang-mangha. Ang iba naman ay dumako sa dagat, sumisid. At ang iba naman ay umikot sa isla, dumako sa malalaking batuhan.

“Hey! Look what I have got!” (Tingnan ang nakita ko!)

May inilabas ang Amerikano sa isang maliit na basket. Ilang mga shells at buto.”

“Do we have a microscope here?” (Meron ba tayong microscope dito?)

“Yes, yessss sir…” Pasigaw na sagot ni Mang Paolo.

Nakatitig si Nina sa mga papalapit na tao. Akala niya ay may bibilhin. Iyon pala ay para humiram ng microscope niya. Pinahiram niya ito. Ginamit sa pag-suri ng Hapon at ng Amerikanong turista. Kagulo ang mga tao sa bahay nila Nina. Marami rin ang nagsibili ng softdrinks at biskwit sa tindahan nila.

Hanggang sa dumating ang hapon ay humangin ng malakas. Kinalog ang mga puno at sinipa ang alon ng malakas na hangin. Marami shells at butong dala sa dalampasigan ang alon. Lalong hindi isinauli ang microscope ni Nina. Hindi maawat ang pagsusuri nila. Ang dalawang turista ay humingi ng tulong sa kanilang mag-ina kung maari ay doon muna sila maki-tulog. Masaya ang mag-inang Chari at Nina dahil malaki raw ang ibabayad sa kanila. Kinagabihan napanaginipan ni Nina si Lolo Eseng at nagpa-kita itong nakangiti sa panaginip. Ang microscope ay nag-iba ng kulay parang kulay ginto.

“Lolo, kaya pala, binigyan mo kami ng Microscope. Salamat po.”

8.18.2006
Rose Flores – Martinez
Copyright Rosalinda Flores – Matinez, 2009
http://iwrotefiction.blogspot

Salamin

Salamin

Mahilig magsalamin si Thea. Pagising sa umaga salamin kaagad ang hanap. Kapag siya nagbibihis at nag-mamake-up ay walang maka-agaw sa kanya sa salamin. Kulang na lang ikwintas niya ang salamin.

“Thea bilisan mo na, hinihintay ka ng school bus!”

“Oo Ate, nandiyan na, tinatapon ko lang ang mga basyo sa kusina.”

Si Thea ay malambing at maasikaso sa bahay. Malinis din siya. Ngunit kahit anong linis ang gawin niya hindi kayang baguhin ng kahit ano ang kanyang sarat na ilong at pangit na hugis ng mukha. Sa salaming iyon, na lagi niyang dala wari’y gumaganda siya. Marami siyang nilalagay sa mukha. Sa salaming iyong, lagi niyang dala wari ay gumaganda siya. Makapal na foundation at mahilig siyang magguhit ng luntian sa mabilog niyang mata.

Sa Padre Pio Elementary School.

“Thea, wow maganda sana ang mga mata mo, kaya lang pango ka at…”

“At … at ano Rolly?”

“At pangit korte ng face ….heheheh…joke lang…”

Hindi nakapag-salita si Thea. Kumulimlim ang mukha. Umirap na lamang at umarte ng lakad.

Isang gabi, sa isang sulok sa may hadin nila.

Nagsalamin si Thea.

“Sana maganda ako. Kung hindi sarat ang ilong ko at dahil sa kwadrado kong mukha – hindi nila ako pagtatawanan. Alam ko namang pangit ako, pero may tao bang likas na pangit? Salamin, salamin – gawin mo akong mukhang prisesa!”

Bahagyang nanaginip si Thea ng gising.

Tumingin siya sa salamin at dahan-dahang nag-iiba ang hitsura niya sa salamin. Parang gumaganda.

“Sino ka? Sino ka?”

“Ikaw, sino ka? Tanong ng salamin.

“Ako si Thea!”

Maganda si Thea sa salamin. Matangos ang ilong. Mala-diyosa ang hubog ng mukha.

Mala-prinsesa.

“Ako si Thea sa kabilang ibayo ng daigdig. Maganda ka Thea dahil ikaw ako kahapon.

Ang iyong anyo na pinag-tatawanan ng lahat ay balat lamang ng buhay. Ang totoo mong anyo ay ako, ang kagandahang busilak.”

“Totoo? Kung gayon ayoko nang mag-iba pa. Masaya pala ako ng ganito dahil – hindi ko kailangan ng nose lift.”

“Hindi na nga Thea. Dahil ikaw ay isang Theang may magandang pananaw sa buhay.”

“Theaaaaaaa !!!!” Sigaw ng ate niya. “Kakain na tayo!”

Napabalikwas si Thea sa pagka-kaupo at nabitawan ang salamin. Nabasag ang salaming laging hawak niya. Ito ay nagging pira-pirasong butil ng bubog.

Pinulot niya itong dahan dahan. Nasaugatan ang isa niyang daliri. Ngunit ngumiti pa rin siya at ipinag-walang bahala. Ikinuskos sa lupa ang dugo at itinapon sa basura ang mga bubog.

“Salamat salamin, maraming salamat. Alam ko ako ay maganda. Magandang maganda!”

August 18, 2006
Rose Flores – martinez
Copyright Rosalinda Flores – Martinez, 2009
http://iwrotefiction.blogspot.com

Sushi's Dress Shop

Sushi’s Dress Shop

Mahilig magtahi si Sushi. Mga personalized bag, wallet at simpleng mga damit ang kanyang obra. Isang ‘handheld’ na makina ang kanyang gamit imbes na malaking makina. Ito and tumatahi sa matitigas na gilid ng tela. Tahing kamay na back stitch at hem stitch naman ang ginagawa ni Sushi para pagdikitin ang mga gilid at zipper.

Si Sushi ay anak ng mga manggagawa ng sinulid. Ang tatay niya ay naputulan ng kamay sa makina ng factory at ang kanyang Nanay ay nahubaran ng dami sa trabaho sa salang bintang ng pagnanakaw. Simula sa kanyang malungkot na kahapoon ay nagging tangan niya ang sinulid at karayom araw-araw.

Tuwing hatinggabi nananahi si Sushi. Nakakagawa siya ng magagarang istilo para sa kanyang mga customer. Nagagawa niya ang lahat ng ito sa dilim.

“Sushi, itahi mo naman ako ng isang party dress.”

“Oo ba. Anong istilong gusto mo? Meron ka bang tela?”

“Wala, ikaw na lang bahala sa lahat. Otso-deretso. Gusto ko golden brown ang kulay..”

“Sige Mimi, hanap ka ng istilo dyan sa catalog.”

“Okay.”

Tinahi ni Sushi ang isang damit na deretso at Chinese style.

Kinaumagahan binigay niya it okay Mimi. Tuwang-tuwa si Mimi. Ginamit niya ang damit sa party kasama ang mga kaklase sa Rotary seminar. Pinuri si Mimi ng mga kaibigan sa party. Sa ganda ng kanyang kasuotan siya ang ‘star of the show’.

Nang pauwi na si Mimi…

“Mimi sabay ka na sa akin.”

“Sige Roland – para hindi na ako mahirapan kumuha ng taxi.”

Masaya ang dalawa sa daan ngunit nakainom si Roland. Itinigil ni Roland ang sasakyan at kinabig si Mimi papalapit sa kanya. Pilit hinalikan at binuksan ang damit ng dalaga. Nagpumiglas si Mimi sa lakas ng binata. Pilit inabot ni Mimi ang sinturon ng damit niya para isakal kay Roland. Sa pambihirang lakas pinulupot niya ang sinturon sa leeg ni Roland. Pumulupot din ng kusa ang sinturon ni Mimi, sakal si Roland.

Ang sumunod na customer naman ni Sushi ay si Greta. Si Greta ay isang probinsyana. Nagpatahi siya kay Sushi ng isang gown para sa isang contest ng mga bagong modelo sa Maynila. Itinahi siya ni Sushi ng magandang sleeveless gown na may isang pulang alampay. Litaw ang ganda ni Greta sa suot niyang gown at alampay.

Samantala, sa contest, ay nawalan ng mamahaling alahas ang isang contestant. Dahil si Greta and roommate ng biktima ay siya rin ang pag-hinalaan. Ang mga contestants ay naghinala rin ay Greta.

Gabi ng contest. Si Greta ang paborito ng mga hurado. Wari’y nainggit ang isang contestant dahil ayaw niyang manalo si Greta.

“Greta, huwag ka nang sumali dahil hindi ka nababagay sa contest na ito, magnanakaw!”

“Hindi ako magnanakaw.”

“Anong hindi e ikaw ang kumuha ng alahas ko! At itong alampay na ito akin na nga…”

Inagaw ang alampay na pula at isinukat sa kanya.

“Pwede na ito.. .Akin na ito, kapalit ng kinuha mo sa akin. Kulang pa nga itong kabayaran. Kaya lang, gusto ko ang kulay nito.”

“Wala akong kinukuhang alahas mo. Maniwala ka! Akin na ang alampay ko,”

Nag-agawan ang dalawa sa alampay na tahi ni Sushi. Pinunit ng contestant ang alampay sa inis. Ngunit, sumampal ito sa sariling mga mata at umikot-ikot sa kanyang leeg. Sinakal ng alampay ang contestant.

Sushis Dress Shop

Ang mga tinatahi ni Sushi ay may hiwagang dala. Ang bawat istilo ay may istilo rin ng pagpatay sa masasamang kaluluwa na umaapi sa mga taong walang laban. Katulad ng mga pangyayari sa kanyang Inay na pinagbingtanga at hinubaran sa factory.

Rose Flores – Martinez, August 20, 2006
Copyright Rosalinda Flores Martinez, 2009
Http://iwrotefiction.blogspot.com

Ang Aking Psychic Guru

Ang Aking Psychic Guru

SI Tony Perez. Siya and aking guro sa Playwiriting class. Ang Playwriting ay isang klase sa kurikulum ng Creative Writing sa DLSU.

Marami akong natutunana kay Sir Tony. Bahagi siya ng aking buhay sa panitik.

Hindi kayang ihiwalay ng gunita – siya at ang kanyang itinutro, habang naalala ko kung gaano ang kanyang pagsisikap para kami ay bahaginan ng kanayang kaalaman sa pagsulat. Masaya kami at magiliw tuwing Plawriting Class, tuwing Biyernes ng hapon.

Masaya ako sa paghihintay sa kanya.

Bukod sa isang guro, si Sir Tony ay isang “psychic guru.” Ang sabi niya, “Halos bawat isa sa atin ay my psychic ability,” kung wala nito, mahirap mag-imagine at matandaan ang mga nakaraang pangyayari, gayon din ang pagkakaroon ng “foresight.”

Ang Third Eye

Ang “third eye” ay maaari ding tawaging “psychic vision.” Sa “visual art” ito ay nasa gitna ng noo. “Ngunit, ang tunay na “inner true vision” ay naggagaling sa kalooban – maaring sa isip o sa puso,” sabi ni Sir Perez. “Kailangan lamang buksan ang swits nito. Isaloob ang pagtanggap.” Tinutulungan tayo ng “third eye” para bumasa ng tao o makakita ng mga spirits.” Maari ding tayo ay bumalik sa kahapon o kaya naman ay may maaninaw sa bukas. Maiintidihan din ang mga panaginip, “visions” at mag mensahe mula sa mga kaibigan, mga kamag-anak, o maging mga taong di kakilala.

Ang “third eye” ay maaaring gamitin upang suriin ang isang bagay, panulat o artwork. Ang kaalaman ay madalas na biswal.

Ang Chakras

Ang alignment ng chakras o Ayurvedic ay mahalaga, “ sabi ni Perez.

Pinatatas ng chakra ang ating collective unconscious upang pagduktungin ang panahon ng buhay at patay. Ang charas ay tinatawag ding aura ng isang indibidwal. Halimbawa: Ang puti at maliwang na aura sa itaas ng ulo ay sumasagisag sa pagkadalisay ng mga hanagarin ng isang tao. Ang bawat kulay ng chakra ay may ibig sabihin. Ito ay nararamdaman ng “third eye.”

Paano Bubuksan ang Third Eye?

Maraming paraan upang mabuksan ang third eye. Sa Latin Amerika, sinasabing si San Martin de Porres ang patron ng “psychic vision.” Ang pagtitirik ng 10 itim na kandila para kay San Martin ay magbubukas ng third eye ng isang tao.

Ang pagtulog na may amethyst tumblestone sa ilalim ng unan ay makatutulong ding magbukas ng third eye, pati ang pagkakaroon ng mabunga at malikhaing panaginip. Gayon din ang pakikisama sa mga taong may malakas na “psychic vision.”

Paano Pagtitibayin ang Third Eye

Mapagtitibay ang “third eye” at ang laks nito sa pakikiramdam ng mga kulay, linya, ilaw, hugis, at dibuho ng dilim.

“Hind pare-pareho ang psychic vision ng bawat tao. ‘Unique ang bawat ‘visual experience.’ Ang iba ay nag-aakalang ito ay realidad at mahahawakan ito. Ang iba naman ay nakakakita ng liwanag, kutitap ng mga ilaw o mga pangyayari, mismo sa harap nila.”

Si Sir Perez ay tumutulong upang mapagtibay ang paggamit ng “unconscious” para higit na maunawaan ang sarili at kapwa, sa serbisyo at pagpapatibay ng sining.

Ilan sa mga aklat ni Tony Perez ay and “Mga Panibagong Orasyon” at “Mga Panibagon Ritwal ng Wicca.”

/rose flores martinez
11.12.09
an old article/revised and translated

http://rfvietnamrose09.blogspot.com
http://iwrotefiction.blogspot.com

Thursday, November 12, 2009

I Wrote Fiction Stories

I Wrote Fiction Stories

Cinderella, Rapunzel, Snow White and the Seven Dwarves, The Little Pigs, Gulliver, Moby Dick, and more magical plots are the stories children love to hear. And of course, even for professionals who want some kind of inspiration, fun and creative entertainment – childhood and fiction stories are forever part of life.

The thrill these stories give to readers are intellectual and helpful because new ideas are formed and copied from the classic and basic story patterns.

The short story roots form an idea that involves a theme; a plot with a conflict, a climax and a denouement; characters; point of view; setting; dialogue and symbols.

The short story is a fiction story that is a work of imagination telling about life here, now, and yonder as if happening truthfully for real.

Here are tips I compiled from some books about the qualities of a commendable short story:

1. The story must be fresh in style
2. The story must portray true-to-life events
3. Words used must sound real and easy to understand
4. It must have freshness of appeal
5. Writer must use his own style
6. The story must involve a series of crises and should be of value to life
7. The story must tickle the reader if it involves humor and must get into the reader’s nerves if it is heavy drama
8. it must be of vital interest

and of course, it must be original.

Short stories run between 1000 and 5000 words. To the imaginative person – and no one who is not imaginative would attempt to write fiction – every human being is full of interest. The trained fictional eye observes in order to find material for his work.


/rose flores - martinez
http://iwrotefiction.blogspot.com
http://rfvietnamrose09.blogspot.com
11.12.09

Wednesday, November 11, 2009

Smile Everyone (on a Thursday, 11.12.09)

The best thing that can happen to you everyday

is

when someone smiles at you

when someone admonishes you, then brings you wisdom

when you face and are trapped in an unwanted situation, then you understand life

when you are scared, then you laugh out loud

when you are bored, then you find new things to do

when you are angry, then you learn compassion

when the world is at your back, then you couldn't stand but kneel

and you are happy

and you laugh out loud

and you sing

and you love

and you pray for GODs family

and you pray

and you pray

and utter, GOD don't leave me!


Have a nice day everyone!

http://rfvietnamrose09.blogspot.com
http://roseprayers.blogspot.com

Friday, November 6, 2009

From the Heart of a Woman

/Women's Journal, December 1987

“Inside my skin is a far more interesting, energetic, and successful person than they believe myself to be.”

To begin then, I am a bit of a woman somewhat more than 20. I am abundantly enriched with wealth of another sort, a responsible husband and two little kids. I got married at the age of 23 and since then I quit work. I take care of the house and I take care of the children. I used to think sometimes how much I dream for achievements, to pursue a career maybe and rebuild for myself the self-esteem I once had.

When I went into housekeeping, I guess I became so modest, and that made me slow to talk and so easy to be repulsed. I know it is certainly no suspicion of deficient merit and unconsciousness of my non-value but I know to the whole extent, the dignity of my own character and the high value of my own power and performances. Oftentimes, I am sluggish in conversation yet I know that I have great intellectual treasures. My thoughts flow so fast and such rapidity of thought naturally promises a flow of talk.

Indeed, I dream so much and I want a self-image of success. I do not regret that I am a housewife, but I do make it a point that it will not be a hindrance to the declaration of my today and the promises of my tomorrow. I define it as an inspiration toward achieving my goals, and being the person I want to be – For God, for my family, and for all. I know I amount to a precious gem but most of the time I lack action and determination to go on. Maybe I'm afraid of what the circumstances would offer me, of compulsive thoughts, of self-criticism and guilt, of worrying about other people's opinions, of failing. I never want to fail, especially in my vocation and in my goals. And now, I try to be the best of what I am. I may have no choice but I have the will and no one can take it away from me. And so I realized that the way to get what I want is to be tough and hit first.

Now, you can tell what sort of woman I am. Indeed, I was very much to look at in my best days. Growth then stopped because my time was fully occupied. Beyond a certain point growth depended entirely on the ability to organize the work so that I could shift it to others.

I should take care of my kids, yes, in a sense that they can take care of themselves in my absence and they to be happy even if they are alone. Focusing in this few things often takes discipline and fervent prayer.

Regardless of what I do now, in this situation, my basic resource is time. I must always have a lookout for better ways to invest it productively. In my journey, I need to forget the past and not be bothered by tomorrow. I will live this day and live these hours of eternity. Never will I allow my heart to become small and bitter. I will share love and it will grow and warm the earth. Desiderata.
I am a woman I am a child of the universe no less than the trees and the stars I have a right to be here.

A mother - that is me and my heart. Such is my profession of faith. I am blessed for blessedness is the peace of mind which springs from the intuitive knowledge of my God, and the perfection of my intellect is nothing but to understand God. To God I dedicate the prize!

Old published article, Women's Journal Magazine,
Rose Flores – Martinez, Edited, June 15, 2009
http://iwrotefiction.blogspot.com

Tuesday, November 3, 2009

I will tell you more stories tonight

I will tell you more stories tonight...

A big kiss,
Rose

http://iwrotefiction.blogspot.com

The Christmas Story