Monday, November 16, 2009

Sushi's Dress Shop

Sushi’s Dress Shop

Mahilig magtahi si Sushi. Mga personalized bag, wallet at simpleng mga damit ang kanyang obra. Isang ‘handheld’ na makina ang kanyang gamit imbes na malaking makina. Ito and tumatahi sa matitigas na gilid ng tela. Tahing kamay na back stitch at hem stitch naman ang ginagawa ni Sushi para pagdikitin ang mga gilid at zipper.

Si Sushi ay anak ng mga manggagawa ng sinulid. Ang tatay niya ay naputulan ng kamay sa makina ng factory at ang kanyang Nanay ay nahubaran ng dami sa trabaho sa salang bintang ng pagnanakaw. Simula sa kanyang malungkot na kahapoon ay nagging tangan niya ang sinulid at karayom araw-araw.

Tuwing hatinggabi nananahi si Sushi. Nakakagawa siya ng magagarang istilo para sa kanyang mga customer. Nagagawa niya ang lahat ng ito sa dilim.

“Sushi, itahi mo naman ako ng isang party dress.”

“Oo ba. Anong istilong gusto mo? Meron ka bang tela?”

“Wala, ikaw na lang bahala sa lahat. Otso-deretso. Gusto ko golden brown ang kulay..”

“Sige Mimi, hanap ka ng istilo dyan sa catalog.”

“Okay.”

Tinahi ni Sushi ang isang damit na deretso at Chinese style.

Kinaumagahan binigay niya it okay Mimi. Tuwang-tuwa si Mimi. Ginamit niya ang damit sa party kasama ang mga kaklase sa Rotary seminar. Pinuri si Mimi ng mga kaibigan sa party. Sa ganda ng kanyang kasuotan siya ang ‘star of the show’.

Nang pauwi na si Mimi…

“Mimi sabay ka na sa akin.”

“Sige Roland – para hindi na ako mahirapan kumuha ng taxi.”

Masaya ang dalawa sa daan ngunit nakainom si Roland. Itinigil ni Roland ang sasakyan at kinabig si Mimi papalapit sa kanya. Pilit hinalikan at binuksan ang damit ng dalaga. Nagpumiglas si Mimi sa lakas ng binata. Pilit inabot ni Mimi ang sinturon ng damit niya para isakal kay Roland. Sa pambihirang lakas pinulupot niya ang sinturon sa leeg ni Roland. Pumulupot din ng kusa ang sinturon ni Mimi, sakal si Roland.

Ang sumunod na customer naman ni Sushi ay si Greta. Si Greta ay isang probinsyana. Nagpatahi siya kay Sushi ng isang gown para sa isang contest ng mga bagong modelo sa Maynila. Itinahi siya ni Sushi ng magandang sleeveless gown na may isang pulang alampay. Litaw ang ganda ni Greta sa suot niyang gown at alampay.

Samantala, sa contest, ay nawalan ng mamahaling alahas ang isang contestant. Dahil si Greta and roommate ng biktima ay siya rin ang pag-hinalaan. Ang mga contestants ay naghinala rin ay Greta.

Gabi ng contest. Si Greta ang paborito ng mga hurado. Wari’y nainggit ang isang contestant dahil ayaw niyang manalo si Greta.

“Greta, huwag ka nang sumali dahil hindi ka nababagay sa contest na ito, magnanakaw!”

“Hindi ako magnanakaw.”

“Anong hindi e ikaw ang kumuha ng alahas ko! At itong alampay na ito akin na nga…”

Inagaw ang alampay na pula at isinukat sa kanya.

“Pwede na ito.. .Akin na ito, kapalit ng kinuha mo sa akin. Kulang pa nga itong kabayaran. Kaya lang, gusto ko ang kulay nito.”

“Wala akong kinukuhang alahas mo. Maniwala ka! Akin na ang alampay ko,”

Nag-agawan ang dalawa sa alampay na tahi ni Sushi. Pinunit ng contestant ang alampay sa inis. Ngunit, sumampal ito sa sariling mga mata at umikot-ikot sa kanyang leeg. Sinakal ng alampay ang contestant.

Sushis Dress Shop

Ang mga tinatahi ni Sushi ay may hiwagang dala. Ang bawat istilo ay may istilo rin ng pagpatay sa masasamang kaluluwa na umaapi sa mga taong walang laban. Katulad ng mga pangyayari sa kanyang Inay na pinagbingtanga at hinubaran sa factory.

Rose Flores – Martinez, August 20, 2006
Copyright Rosalinda Flores Martinez, 2009
Http://iwrotefiction.blogspot.com

No comments:

Post a Comment