Microscope
Isang antique na microscope ang pamana ni Lolo Eseng kay Nina. Bukod sa kanilang bahay at sa matandang microscope, ay wala na. Walang sakahang lupa, walang salapi, walang ginto.
“Si Lolo naman bakit pa ang microscope na ito and pinamana sa amin. Aanhin ko ba ito sa tabing dagat?”
“Saklawin mo raw ng iyong pananaw ang dagat,” sabi ni Aling Chari.
“Hay naku Inay, buti pa ipagbili natin. Kikita pa tayo at makadadagdag sa ating paninda.”
“Naku, huwag! Baka multuhin ka ng Lolo mo, sige.”
Nagtawanan ang mag-ina.
Naglilinis si Nina araw-araw katulong ni Aling Chari. Sa tuwina pinupunasan niya ang microscope. Pagkatapos ay susulong si Nina sa pagtitinda sa kaning maliit na tindahan.
“Mang Paolo kumusta naman ang huli ngayon?”
“Mabuti-buti naman Nina. Payapa ang dagat. Alam mo balita ng mga kababaihan ay marami raw turistang dadalaw dito sa atin.”
“Talaga? Bakit naman?”
“Baka maghahanap ng mga kabibe! Hahahah!”
Kinabukasan nga padating si Mang Paolo at may mga kasama. Dumating ang mga turista. Merong Hapon at may Amerikano. Sa mga hitsura nila ay may seryosong pakay sa dagat. May mga kasamang trabahador. Hinukay nila ang buhangin, sa paligid. Ang iba wari ay manghang-mangha. Ang iba naman ay dumako sa dagat, sumisid. At ang iba naman ay umikot sa isla, dumako sa malalaking batuhan.
“Hey! Look what I have got!” (Tingnan ang nakita ko!)
May inilabas ang Amerikano sa isang maliit na basket. Ilang mga shells at buto.”
“Do we have a microscope here?” (Meron ba tayong microscope dito?)
“Yes, yessss sir…” Pasigaw na sagot ni Mang Paolo.
Nakatitig si Nina sa mga papalapit na tao. Akala niya ay may bibilhin. Iyon pala ay para humiram ng microscope niya. Pinahiram niya ito. Ginamit sa pag-suri ng Hapon at ng Amerikanong turista. Kagulo ang mga tao sa bahay nila Nina. Marami rin ang nagsibili ng softdrinks at biskwit sa tindahan nila.
Hanggang sa dumating ang hapon ay humangin ng malakas. Kinalog ang mga puno at sinipa ang alon ng malakas na hangin. Marami shells at butong dala sa dalampasigan ang alon. Lalong hindi isinauli ang microscope ni Nina. Hindi maawat ang pagsusuri nila. Ang dalawang turista ay humingi ng tulong sa kanilang mag-ina kung maari ay doon muna sila maki-tulog. Masaya ang mag-inang Chari at Nina dahil malaki raw ang ibabayad sa kanila. Kinagabihan napanaginipan ni Nina si Lolo Eseng at nagpa-kita itong nakangiti sa panaginip. Ang microscope ay nag-iba ng kulay parang kulay ginto.
“Lolo, kaya pala, binigyan mo kami ng Microscope. Salamat po.”
8.18.2006
Rose Flores – Martinez
Copyright Rosalinda Flores – Matinez, 2009
http://iwrotefiction.blogspot
No comments:
Post a Comment