Monday, November 16, 2009

Ang Aking Psychic Guru

Ang Aking Psychic Guru

SI Tony Perez. Siya and aking guro sa Playwiriting class. Ang Playwriting ay isang klase sa kurikulum ng Creative Writing sa DLSU.

Marami akong natutunana kay Sir Tony. Bahagi siya ng aking buhay sa panitik.

Hindi kayang ihiwalay ng gunita – siya at ang kanyang itinutro, habang naalala ko kung gaano ang kanyang pagsisikap para kami ay bahaginan ng kanayang kaalaman sa pagsulat. Masaya kami at magiliw tuwing Plawriting Class, tuwing Biyernes ng hapon.

Masaya ako sa paghihintay sa kanya.

Bukod sa isang guro, si Sir Tony ay isang “psychic guru.” Ang sabi niya, “Halos bawat isa sa atin ay my psychic ability,” kung wala nito, mahirap mag-imagine at matandaan ang mga nakaraang pangyayari, gayon din ang pagkakaroon ng “foresight.”

Ang Third Eye

Ang “third eye” ay maaari ding tawaging “psychic vision.” Sa “visual art” ito ay nasa gitna ng noo. “Ngunit, ang tunay na “inner true vision” ay naggagaling sa kalooban – maaring sa isip o sa puso,” sabi ni Sir Perez. “Kailangan lamang buksan ang swits nito. Isaloob ang pagtanggap.” Tinutulungan tayo ng “third eye” para bumasa ng tao o makakita ng mga spirits.” Maari ding tayo ay bumalik sa kahapon o kaya naman ay may maaninaw sa bukas. Maiintidihan din ang mga panaginip, “visions” at mag mensahe mula sa mga kaibigan, mga kamag-anak, o maging mga taong di kakilala.

Ang “third eye” ay maaaring gamitin upang suriin ang isang bagay, panulat o artwork. Ang kaalaman ay madalas na biswal.

Ang Chakras

Ang alignment ng chakras o Ayurvedic ay mahalaga, “ sabi ni Perez.

Pinatatas ng chakra ang ating collective unconscious upang pagduktungin ang panahon ng buhay at patay. Ang charas ay tinatawag ding aura ng isang indibidwal. Halimbawa: Ang puti at maliwang na aura sa itaas ng ulo ay sumasagisag sa pagkadalisay ng mga hanagarin ng isang tao. Ang bawat kulay ng chakra ay may ibig sabihin. Ito ay nararamdaman ng “third eye.”

Paano Bubuksan ang Third Eye?

Maraming paraan upang mabuksan ang third eye. Sa Latin Amerika, sinasabing si San Martin de Porres ang patron ng “psychic vision.” Ang pagtitirik ng 10 itim na kandila para kay San Martin ay magbubukas ng third eye ng isang tao.

Ang pagtulog na may amethyst tumblestone sa ilalim ng unan ay makatutulong ding magbukas ng third eye, pati ang pagkakaroon ng mabunga at malikhaing panaginip. Gayon din ang pakikisama sa mga taong may malakas na “psychic vision.”

Paano Pagtitibayin ang Third Eye

Mapagtitibay ang “third eye” at ang laks nito sa pakikiramdam ng mga kulay, linya, ilaw, hugis, at dibuho ng dilim.

“Hind pare-pareho ang psychic vision ng bawat tao. ‘Unique ang bawat ‘visual experience.’ Ang iba ay nag-aakalang ito ay realidad at mahahawakan ito. Ang iba naman ay nakakakita ng liwanag, kutitap ng mga ilaw o mga pangyayari, mismo sa harap nila.”

Si Sir Perez ay tumutulong upang mapagtibay ang paggamit ng “unconscious” para higit na maunawaan ang sarili at kapwa, sa serbisyo at pagpapatibay ng sining.

Ilan sa mga aklat ni Tony Perez ay and “Mga Panibagong Orasyon” at “Mga Panibagon Ritwal ng Wicca.”

/rose flores martinez
11.12.09
an old article/revised and translated

http://rfvietnamrose09.blogspot.com
http://iwrotefiction.blogspot.com

No comments:

Post a Comment