Wednesday, December 4, 2013

December 5. Salamin

Salamin

Mahilig magsalamin si Thea. Pagising sa umaga salamin kaagad ang hanap. Kapag siya nagbibihis at nag-mamake-up ay walang maka-agaw sa kanya sa salamin. Kulang na lang ikwintas niya ang salamin.

“Thea bilisan mo na, hinihintay ka ng school bus!”

“Oo Ate, nandiyan na, tinatapon ko lang ang mga basyo sa kusina.”

Si Thea ay malambing at maasikaso sa bahay. Malinis din siya. Ngunit kahit anong linis ang gawin niya hindi kayang baguhin ng kahit ano ang kanyang sarat na ilong at pangit na hugis ng mukha. Sa salaming iyon, na lagi niyang dala wari’y gumaganda siya. Marami siyang nilalagay sa mukha. Sa salaming iyong, lagi niyang dala wari ay gumaganda siya. Makapal na foundation at mahilig siyang magguhit ng luntian sa mabilog niyang mata.

Sa Padre Pio Elementary School.

“Thea, wow maganda sana ang mga mata mo, kaya lang pango ka at…”

“At … at ano Rolly?”

“At pangit korte ng face ….heheheh…joke lang…”

Hindi nakapag-salita si Thea. Kumulimlim ang mukha. Umirap na lamang at umarte ng lakad.

Isang gabi, sa isang sulok sa may hadin nila.

Nagsalamin si Thea.

“Sana maganda ako. Kung hindi sarat ang ilong ko at dahil sa kwadrado kong mukha – hindi nila ako pagtatawanan. Alam ko namang pangit ako, pero may tao bang likas na pangit? Salamin, salamin – gawin mo akong mukhang prisesa!”

Bahagyang nanaginip si Thea ng gising.

Tumingin siya sa salamin at dahan-dahang nag-iiba ang hitsura niya sa salamin. Parang gumaganda.

“Sino ka? Sino ka?”

“Ikaw, sino ka? Tanong ng salamin.

“Ako si Thea!”

Maganda si Thea sa salamin. Matangos ang ilong. Mala-diyosa ang hubog ng mukha.

Mala-prinsesa.

“Ako si Thea sa kabilang ibayo ng daigdig. Maganda ka Thea dahil ikaw ako kahapon.

Ang iyong anyo na pinag-tatawanan ng lahat ay balat lamang ng buhay. Ang totoo mong anyo ay ako, ang kagandahang busilak.”

“Totoo? Kung gayon ayoko nang mag-iba pa. Masaya pala ako ng ganito dahil – hindi ko kailangan ng nose lift.”

“Hindi na nga Thea. Dahil ikaw ay isang Theang may magandang pananaw sa buhay.”

“Theaaaaaaa !!!!” Sigaw ng ate niya. “Kakain na tayo!”

Napabalikwas si Thea sa pagka-kaupo at nabitawan ang salamin. Nabasag ang salaming laging hawak niya. Ito ay nagging pira-pirasong butil ng bubog.

Pinulot niya itong dahan dahan. Nasaugatan ang isa niyang daliri. Ngunit ngumiti pa rin siya at ipinag-walang bahala. Ikinuskos sa lupa ang dugo at itinapon sa basura ang mga bubog.

“Salamat salamin, maraming salamat. Alam ko ako ay maganda. Magandang maganda!”

August 18, 2006
Rose Flores – martinez
Copyright Rosalinda Flores – Martinez, 2009
http://iwrotefiction.blogspot.com

No comments:

Post a Comment

if tonight 2