Mata Sa Bintana
Sabi ng katulong naming si Ate Liza, kapag hindi raw ako natulog ng maaga ay may dudungaw sa bintanang mga mata.
Sino? Mata ba ni Spiderman o mata ni Bubbles ng Power Puff?
“Hindi raw nakakatawa dahil mga mata raw ng White Lady.”
Sa bahay kasi, laging pinagbibintangan ang White Lady, dahil sa White Lady… Minsan naawa na ako sa White Lady. Siguro kung makapagssasalita lang siya, lagot silang lahat. Ako lang ang kaibigna ng White Lady.
Minsan, nawala ang pera ni Tiya Azon, at wala naming pumasok na ibang tao sa bahay. Nag-usap usap sila.
Sino ang kumuha? Wala naman, may nagtago raw.
Pagkapos isang gabi sabi ni Tiya Azon may isang babaeng mahaba ang buhok sa paanan ng kanyang kama. Mala-rosas ang mga mata, na gustong makipagti-titigan, sabay naglahong mabilis. Nakatinging raw sa kay Tiya Azon. Kung ganon hindi lamang kami ang nakatira sa bahay. Mabuti malaki ang bahay dahil pati ang White Lady at ang kanyang pamilya ay may magandang tirahan. Lumaki ako sa ganitong kapaligiran.
Isang gabi tumitingin ako sa album ni Tiya Aon. Naramdaman kong malamig at mainit sa silid niya. Nag-jacket ako, pag-katapos hinubad itong muli para buksan ang electric fan.
Binalikan ko ang mga larawan at nakita kong ito ay nasa ilalim nang kama at wala na sa tabi ko.
Ininilipad ba ito ng electric fan?
“Ate Liza” matututlog na ako. Halika at samahan mo akong matulog.”
Mula noon, abot langit ang aking dasal para sa mga kaluluwa, para sa maga ispiritu, para sa mga White Lady. Marahil sa takot.
Bilog ang buwan. Sa azoteya ako nakatulog – nanaginip ako, may mata sa azoteya. Ityon na yata ang sinasabi ni Ate Liza…
.Umusok sa paligid ng itim, , may malaking mama, walang mukha. Hindi ako makahinga, wari’y ungol ng ungol para magising. Alam ko ako’y natutulog, alam ko ako ay binbangungot.
Kahit sa pikit kong mga mata at tulog na katawan, sa aking isip ako ay gising. Paulit-ulit kong dinasal ang Aba Ginoong Maria at isinigaw ang Lord! Jesus! Jesus!
Dito bumalikwas ako sa gising. Parang sinuntok ng malakas at naglaho ang maitim na mama sa aking panaginip.
Wala nang mata sa bintana.
Wala na ang White Lady.
Marahil kung ano man ang kailangan nila dito sa aming bhay, hindi ko alam – at hindi na importante.
Ang sabi ko sa aking mga kasambahay, kay Tiya Azon, at kay Ate Liza ay magdasal sila, ipagdasal ang mga taong hindi natin nakikita. Dasal ang kailangan ng mga mata sa bintana. Dasal ang kailangan nating lahat.
8.11.2006
copyright rose flores martinez
revised 11.19.2009

No comments:
Post a Comment