December 22, 2009
Painting
Painter si Allan. Maraming humahanga sa kanyang work of art. Pati sa mga kumpetisyon ay lagi siyang panalo.
“Naku, kailangan makabuo ako ng isang magandang entry para sa contest sa katapusan ng buwan, Nay.”
“Kaya mo ‘yan anak! Umisip ka muna ng magandang tema na makapaghihikayat ng atensyon tulad ng dati mong ginagawa.”
“Tama kayo, Nay. Ano kaya ang pwede kong tema, Nay?”
“Isipin nating mabuti.”
Sa katapusan ng buwan ay “Friendship Day.”
“Oo nga – e di ang tungkol na lang sa pagkakaibigan, anak.
“Nay, tama, Nay! “Friends Forever, Friends Forever – yan ang gagawin ko.”
“Okey, okey anak, simulan mo kaagad!”
Kinabukasan bumili ng mga art materials si Allan. Water color, canvass, brush at iba pa. Masayang masaya siya halos kandarapa pagdating ng bahay.
“Allan, ano ka ba, madadapa ka ng pagmamadali mo. Pati yang salamin mo bumagsak tuloy.”
“Wala ‘yon Nay, kailangan ko kasing mai-submit itong painting ko bago matapos ang buwan.”
Sinimulan ni Allan ang pagpipintura.
Nag-sketch si Allan. Abstract. Mabilis, muli nag-drawing ng mga mukha.
Pagkatapos tinimpla ang mga katas ng dahon at inihalo sa berdeng kulay
Bumili rin siya ng mga lemon at pinira-piraso para ihalo sa dilaw na water color
Nakita ni Aling Cynia ang pinta ni Allan at tuwang tuwa ito.
“Ang mga kulay ay parang totoo anak!”
“Oo Nay kasi talagang hinalo kong mabuti ang mga shades para mag-mukhang totoo ang lapat.”
“Itong ibang kulay Allan, hindi pa masyadong kita, wala pang buhay.”
“Oo nga, iniisip ko nga kung pa’no ko gagawin ang ibang halo ng kulay.”
“Hayaan mo, may isang linggo ka pa naman.”
Mahal ni Allan ang trabaho niya. Kaya wala siyang asawa. Ito ang inspirasyon niya sa pang-araw araw na buhay. Valedictorian siya noon magtapos sa elementary at sa high school. Sa college naman ay isang iskolar siya. Natapos ng Fine Arts si Allan sa isang sikat at magaling na paaralan, at pinadala ng gobyerno sa Europa para sa karagdagang art training.
Marami na siyang napanaluhang contest, kaya ang kanyang silid ay puno ng tropeo.
“Pero aanhin ko ang tropeo at mga ito, kung iiwan na ako ni Nanay. May sakit si Aling Cynia. Matanda na at mahina sa paglipas ng panahon. Sinabi ng duktor na kainlangang ibay-pass kaya kailangan nilang mag-ina ng malaking pera. Naproblema si Allan.
“Kailangan akong manalo sa contest na ito dahil malaki ang cash prize at pwede pang isali pang-international ang entry ng mananalo.
Araw at gabi patuloy sa pag-pinta si Allan.
Isang gabi lumabas siya at pumunta sa bahay ng isang bestfriend – si Carina
“Nay punta lang kami ni Carina sa Ospital.”
Umuwi siyang hingal na hingal. Pagkatapos ay nagpinta.
Sa sumunod na gabi lumabas uli siya.
“Nay punta kami ni Joey sa Ospital.”
“Ano ba ang ginagawa ninyo sa Ospital? May mga sakit ba kayo?
Matalik na kaibigan din ni Allan si Joey. Pagdating niya sa kanilang bahay ay mabilis siyang napintang muli.
“Matatagalan pa. Kokonti lang ang mga kaibigan ko. Ngunit kailangan ko nang matpaos itong entry ko bukas.”
Maya-maya pumasok si Allan sa toilet. Paglabas ay dala ang maliit na palanggana at waring naghihina. Mabilis na kinulayan ang mga natitira pang walang shade na pula.
Gumawa ng sulat.
“Hay salamat at natapos ko na rin, bukas Sali na ito.”
Bumagsak si Allan sa lapag. Narinig ni Aling Cynia mula sa ibaba at pinuntahan ang anak sa kuwarto.
“Anak, ano ba ang nagyari sa iyo?”
Nanlalambot na iniabot ni Allan ang ginawang sulat sa Nanay. “Nay para sa iyo.” Binasa ni Aling Cynia and sulat. Napaiyak at hagulhol.. Ginamit ang telepono para tawagan si Joey at Carina.
Dumating ang mga kaibigan ni Allan para itakbo siya sa ospital. Ngunit malamig na si Allan.
“Nay sabi po kasi ni Allan ang mapapanalunan raw niya ay para sa inyong operasyon. Ang mga kulay pula raw sa likha niya ay tanda ng pagmamahalan naming magkakaibigan. Mahal niya kayo Nay.”
Pinunasan ni Carina ang dugo ni Allang nagkalat sa silid.
/Rose Flores – Martinez , 08212006
posted at http://iwrotefiction.blogspot.com
No comments:
Post a Comment