Sunday, December 6, 2009

Chat

CHAT

Alas dose ng hatinggabi: Chat time naming ni Bruce.

Antok na ‘ko hintay ko pa rin siya. Wala kasi ‘kong lagging kausap. Ewan ko nga kung bakit ako nagityangang makipag-usap sa isang taong hindi ko pa nakikita. Feeling ko kasi, napakabait niya.

Minsan nagkaroon ako ng ga-daigdig na problema. Akala ko ‘nun magbibiti na ‘ko. Bumagsak kasi ako sa Forensic subject namin. Hiyang-hiya ako sa bahay. “Lam kasi ng lahat iskolar ako. Pero si Bruce – binigyan niya ako ng pag-asa. Hindi niya ako kinutya at hinusgahan sa nakuha kong mababang grade sa iskwela.

Buzz!

Ayan na si Bruce.

“How are you?” (Kumusta ka?) bungad sa ‘kin.

“I’m good.” (Mabuti ako.) And you? (Ikaw?)

Ganyan kami mag-usap ni Bruce.

Amerikano si Bruce kaya “speaking in dollars kami. Tuwing chat time namin, okay lang ako ng okay kasi hindi ako masyadong magaling sa Ingles – tapos tamad pa akong magsulat … Pero, feel ko si Bruce.

Ikinukuwento ko siya sa aking mga kaibigan. Sabi nila, nasisiraan na raw ako ng bait kasi, baka manloloko raw ‘yun tapos hindi ko naman kilala at nagtitiwala ako.

Hindi ba uso na ngayon and internet? “yung iba nga sa internet nakakahanap ng trabaho, ng mga nawawalang kaklase, at ‘yung iba nga – asawa pa ang nahahanap.

Nakita ko ang litrato ni Bruce, okay lang. Matangkad at luntian ang mga mata. Parang X-men. Kung. Kung bakit hanging sa internet, sa mata pa rin ako nakatutok. Nag-save ako sa PC ko ng litrato niya para lagi ko siyang naaalala kasi kaibigan ko siya. Tanging kaibigan.

SI Bruce din raw – may printed na litrato ko sa kanyang wallet, syempre sa PC din niya.

Tuwing mag-uusap kami sinasabi ko sa kanyang “take care” at “God bless.” Tuwang tuwa siya sa akin kasi raw, mabait ako. Heheheh – kung alam lang niya na ako ay suplapda. Takot nga sa akin ang mga lalaki, kahit ang mga kaklase kong magpupulis.

At siya naman sugar ang tawag sa akin. Wow ang sweet! Pwede rin pala akong maging pusong babae at sweet. Minsan may itinanong siya sa akin at sinagot ko naman siya ng walang pasumbali – noon, parang nakadama ako ng pag-ibig.

Mula noon si Bruce na ang aking araw at gabi.

Ganito pala ang bagong teknologi. Sa isip lang- kaintindihan na. Walang malisya si Bruce, kaya nga, minahal ko na yata siya ng totohanan. Hangang sa natapos ako sa kolehiyo ng walang boyfriend.

Minsan habang ako ay kumakain ng donut, alas diyes pa lamang ng gabi kumalantog ang PC ko. Sa isip ko baka may dumagan. Tiningnan ko ang paligid, wala naman. Itinuloy ko ang pagkain ng aking donut.

Naku! Ang PC ko parang nag-spark … Naisip kong bigla si Bruce.

Mag-oonline na nga ‘ko.

Maaga pa, pero … ‘Yun connected na.

Nag-surf ako sa internet – ano ba at puro ospital ang lumalabas sa screen. Search ako, at ‘yun pa ring mga ospital ang nasa monitor.

Pero sige, magbabasa na lang ako tungkol sa Forensic subject naming. Naghintay ako ng alas dose para sa chat time naming ni Bruce. Miss ko na tuloy si Bruce.

Ngunit, alas dose na wala pa siya.

Naghintay ako hanggang ala-una.

Hangang alas dos pa.

Ewan, inaantok na ‘ko. Pero parang matindi ang aking lungkot.

Ayan! Ringggg, si Bruce tumatawag.

Sa kabilang linya – “Sorry,” ang sabi ng tinig. Pagkatapos nawala si Bruce.

May email na dumating sa akin. Sulat galling kay Bruce, pirma ng Mommy niya. Patay na raw si Bruce, dinala nila sa ospital dahil sa asthma attack kaninang umaga.

Copyright Rose Flores – Martinez, August 12, 2006
/published 10.7.2009

No comments:

Post a Comment