Thursday, September 29, 2011
Tuesday, September 27, 2011
From the Page of Shannon Phillips. Thank you.: The Kiss
by Gustav Klimt
(1907-1908)
by Lawrence Ferlinghetti (1976) | |||
|
copyright 2002
Monday, September 26, 2011
Silid ni Riza Flores Martinez - Borja
1. Sa Aking Silid
Ramdam ko ang pait at pagmamalupit ng panahon sa akin. Sa tuwing ako ay lilisan palabas ng aking silid, may kahalong lungkot at ligaya tarak sa aking puso. Tila ako ay binalutan ng tinik sa dibdib.
Simula noong ako ay bata pa sa pagpasok ng aking silid may kaba at takot na laging umaamba sa paligid, parang usok na lumalaki.
Si Ama ay isang kilalang tao sa lipunan. Mataas ang tingin ng mga taga-bayan sa kanya, maging ang kanyang mga kakompetensya sa San Gabriel. Sa araw araw na ginawa ng Diyos, masaya ang mga taong dumadalaw sa aming bahay na lagging may pagdiriwang na nagaganap. Mahal na mahal si ama mga taga- San Gabriel. Mahal din ni Ama si Ina… at ako. Maraming tao ang natulungan ni Ama. Mahirarap man o mayaman, walang pinipiling tulungan. Maraming krimen din ang nalutas. Maliban lamang sa kaso dito sa aming bahay. Iyan ang lihim.
Sa aking silid, pinid ang durungawan. Ang mga ala-ala ng aking nakaraan ay hindi maungkat. Ayaw kong maungkat muli ang mga ala-ala ng aking Ina. Maging si Ama ay ayaw ding makaalis sa mga alaala ng silid na ito.
Si Inang may mala-rosas na kutis, makintab, maitim at mahabang buhok, mapupulang labi. Hindi maiwasang ang mga kalalakihan dito sa amin ay mabihag ng kanyang kagandahan.
Isang gabi ng Disyembre, ako at si ina, ay bumili sa Quiapo. Pumili kami ng mga parol para sa pasko at pangregalo sa mga kaibigan, kamaganak at mga kasamahan. Marami kaming nabiling mga baso. Tuwang tuwa ako noon. Hindi ko makalimutan ang mga sandaling kapiling ko ang aking ina. Hawak ko ang kanyang palad na parang unan . Maligaya ako kapag magkasama kami ni Ina . Dama ko din ang seguridad na may gumagabay sa akin. Mula sa kanyang mga pangako na “hindi niya ako pababayaan” ay mga salitang nagpapalakas sa akin.
Sa pag-uwi sa aming bahay galling sa Quiapo ay mahigpit pa ang hawak kamay namin ni Ina. Kumalas ako sa napansin kong kaunting liwanag galing sa siwang n pinto na aking silid. Ngunit hindi ko pa rin ito binigyang pansin. Iniwanan ko muna si Ina sa tabi ng pintong my kawang, at hinayaan ni Inang kumalat ang liwanag mula sa ilaw ng maliit na kandila ng aking silid.
Ngunit . . . ano ito? Bigla akong nakarinig ng malakas na sigaw ni Inang, “Tulong, tunlong!” Nakita ko ang anim na kalalakihan sa paligid. Ginapos is Ina. Agad akong tumakbo patungo para magligtas. Ngunit sa aking murang edad, wala akong nagawa sa anim na kalalakihan. Umiyak at sumigaw, “Ama, Ama ... tulungan mo kami…” Walang si Ama. Walang taong sa bahay. Walang nakarinig.
Ang mga haling ang kaluluwa ay tuwang tuwa. At nakita ko isa sa kanila na humawak sa nagpupumiglas kong kamay ay si Emil. “Si Emil! Masama ka, masama ka! “
Si Emil ay kasambahay naming pinagkakatiwalaan ni ama. Si Emil na nakakaalam ng mga secreto ng aming pamilya. Si Emil na itinuring na anak ni Ama at ni Ina. “Ang aking nakatatandang kapatid at tapat na kaibigan?”
Paano ito nangyari sa aming pamilya? Ang akala naming Kuya Emil ay is palang anak ni Hudas! Sa sandali ng aking pagkatulala, may hinampas sa aking batok. Ito ang nagpagpatumba at nagpatigil sa aking hagulhol. Parang nawalan ako ng ulirat at hinang hina.
Pinilit kong tumayo sa pagkakahiga at nakagapos pa rin si Ina. At abot tanaw ko habang nilalapastangan siya – hinuhubaran, hinahalikan, winalang-hiya! Nakita ko kung paano lumaban si Ina at sumigaw at paulit ulit niya kaming tinawag. Nagdasal ako. “Magdasal, magdasal,” naalala kong pangaral niya.
Nakatulog ako sa masamang panaginip at nagising. “Si Ina!” Duguan, walang buhay. Si Ina na aking pinakamamahal, wala na siya. Nandoon din si Ama sa labis na paghihinagpis.
Niyakap kong mahigpit ang aking Ina. Niyakap ko ang malamig na katawan. Pilit ko siyang ginigising sa pagbabakasakaling may milagro at siya ay mabuhay. Hindi gumising si Ina. At marahil, sa pagkamatay ni Ina, itinulak ako ni Ama at sinabing, “Ikaw na lamang sana ang namatay, hindi siya.” Ang pagpanaw ni Ina ay kasabay ang pagpanaw ng aking buhay.
At ngayon, sa tuwing ako ay mapapagawi sa aming bahay, sa aking silid, lahat ng ala-ala ng kahapon ay pilit na nagbabalik. Ang kahapong umiikot sa buhay ko. Ang kahapong maramot sa aking matikman ang ligaya ng kasalukuayan at pagasa ng bukas. Ang kahapong ako ay pinagmalupitan at ginapos. Ang kahapong buhay ang aking Ina!
Parati ko na lang dinatnang mainit ang ulo ni Ama. Walang puwang ang kasiyahan sa akin , at nawala na rin ng puwang ko sa puso ni Ama kasabay ng pagpanaw ni Ina. Pinagbubuntungan niya ako ng galit. Marahil marami siyang problema mula sa pulitika. Marahil hanggang ngayon ay isa pa rin siyang bilanggo ng kahapong hindi marunong magpatawad. “Ako ang kanyang sinisisi sa pagkawala ni Ina!”
Si Emil, na anak ni Hudas ay masayang nakakagala ngayon at tila walang kasalanan. Hindi na siya nagpakita pa sa mga pulis. Ngunit, alam kong siya ay ma-impluensya.
Ang maraming tagapaglingkod naming sa bahay ay pinaalis din ni Ama. Kaya lahat ng gawaing bahay ay ako ang gumagawa. Ako na rin ang pilit na pumupuno sa mga pangangailangan ni Ama. Ako at ako lang. At sa tingin ko ay hindi pa rin sapat ang lahat ng aking pagsisikap. Hindi ko siya masisisi.
Hindi nabigyan ng hustisya ang kaso ni Ina gayong si Ama ay isang kilala at sa lipunan. Bakit kaya?
Mula nang matalo ang kaso ni Ina, sinabi niyang siya ang pinakawalang-kwentang tao sa buong mundo. Pati ang mga mamamayang madalas niyang tulungan kagaya ni Mang Ambit at ni Aling Aurora ay binabale-wala na niya kahit pinagsilbihan kami ng mga matatanda ng buo nilang buhay at katapatan. Hindi nagtagal, nawala siya din siay sa pulitika. Hindi niya ininda. Wala siyang pakialam kung ano ang mga mangyari, mawala man ang lahat. . . mawala man ako.
At ngayon, wala na si Amang pinagkakaabalahan kundi ang alak at sugal. Masaya niyang kanakausap lamang ang litrato ni Ina, na kahit anong milagro, ay hindi hindi babangon.
Wala pinipiling pagkakataon ang init ng ulo ng aking Ama. Kahit maraming tao sa bahay at mga kaibigan sa sugal ay wala sa kanyang pahiyain ako. Pilit niya akong pinapapasok sa silid sabay sabing “Ayaw kitang makita!!!” At pilit niyang iginigiit ang mga katagang ako na lang sana ang nawala at hindi si Ina. Ako naman ay agad-agad na papasok at nanginginig ang mga binti at buong katawan kasabay ng matinding takot. At madalas, kapag ako ay nasa silid na, hindi maiwasan ang pagsunod ni Ama. Ang mga mata niya ay nag-aapoy sa galit. At doon, sa aking silid - ako ay kanyang sinasaktan. At sa silid, pilit bumabalik ang mapait na kahapon. Pilit akong sumisigaw sa sakit habang hinahampas ako ng latigo. Marahil, ang tingin niya sa akin ay ako ang mga kriminal na pumaslang kay Ina. Wala siyang pinipiling tamaan. Buong parte ng aking katawan ay walang kawala sa hagupit ng kanyang latigo. Ako’y nagmamakaawa at isinisigaw ang “Ama, Ama tama na po.” Sana mamatay na nga ako. Madugo ang paligid. Maswerte lamang ako at nakakayanan ko ang mga malulupit na palo. Marahil ito ay dahil sa patnubay ni Ina sa akin kahit anong mangyari ay hindi niya ako pinababayaan.
Salamat sa Diyos at hanggang ngayon ay buhay ang pangako ni Ina. Sa sumunod pang mga araw, patuloy ang pananakit si Ama sa akin. Nakalimutan niya marahil na ako ay kanyang anak, at siya ay aking ama. Puno ang puso niya ng poot na isainasabuhay niya sa kalupitan at lubusang pagkalimot ng pagmamahal sa akin.
Magiisang taon na din ang kamatayan ni Ina mula sa kanyang mapait na sinapit. Patuloy an gaming kalbaryo ni Ama. Totoong hindi niya mapatawad ang kanyang sarili dahil hindi niya nabigyang hustisya ang among kaso.
Isang araw, habang ako ay patuloy na sinasaktan ni Ama, biglang nasanggi ng kanyang latigo ang larawan ni Ina. Bumalik bigla sa aking alaala ang mga pangyayaring naganap kay Ina. At kung saan galling sinabayan ang iyak at paghihinagpis ko ng sigaw at iyak ng ni Ina. Naisip ko ang pagkakataong dapat kong ipagtanggol ang aking naaaping ina. At sa di sinasadyang pangyayari ay naitulak ko si Ama gamit ang aking natitira pang lakas. Tumama ang kanyang ulo sa kanto ng aking kama. Duguan si Ama! Natulala ako… Bigla yatang nabaliktad ang mundo. Nakita ko si Ama. Duguan. Tila gripong bumulwak ang dugo sa kanyang ulo. Nagmakaawa si Ama at humingi ng aking tulong at patawad. Subalit bakit ganon? Tila hindi ko siya ama? Nakita ko ang mukha ni Emil. At kahit konting awa ay wala akong nadama.
Sa pagkakataon ding iyon ang aking pagmamahal kay Ama ay hindi ko naalala o naramdaman man lang. Kinuha ko ang latigo at inisip ko na makaganti. Nagmakaawa si Ama, sigaw sa daing, abot langit ang pagsisisi. Naririnig ko ang hiyaw ng paghihinagpis niya kasabay ng paulit-ulit kong hampas ng latigo. Pili ko lang ang mga parteng aking hampas. Ang kanyang mukha, at ang kanyang dibdib. Iyon lamang. Binigyan ko ng maraming latay si Ama. Madugo ang silid. Kalat ang mga talsik ng dugo sa aking labi, sa aking katawan, sa mga dingding at sulok. Bakit ganoon? Mahal ko si Ama ngunit hindi ko na maramdaman na mahal ko siya? At alam ko, mahal din ako ni Ama ngunit hindi ko din maramdaman na mahal niya ako. Kaya naman, pabilis ng pabilis ang paghagupit ko sa kanya sa paniniwalang maaari ko siyang baguhin sa ganoong paraan. Ilang sandali lamang ay wala nang hinagpis at ungol. Si Ama! Ano ang nangyari kay Ama? Wala na akong narinig na hininga mula kay ama. “Hindi!” Napatay ko siya.
Nabalot ang buong silid ng katahimikan. Ang pawang narinig ko na lamang ay ang mabilis na tibok ng aking dibdib. Patay na si Ama. Wala kahit isang patak na luha ang gusting tumulo. Marahil ay nagalak ako ngayon, sa anibersayo ng pagkamatay ni Ina na, ay araw din ng paglaya namin ni Ama mula sa masamang bangungot na dulot ng tadhana.
Kinuha ko ang larawan ng aking pumanaw na ina at pinagmasdan ko. Bumalik sa mga alaala ko ang mga salitang binitawan ni ina niya noon “Anak, hinding hindi kita pababayaan…” Patnubay ko nga siya.
At ngayon na kanyang anibersaryo ng kamatayan, ramdam ko na inilipat na ni Ina ang mga pangakong iyon kay Ama. Si Ama ay hindi ako pababayaan hanggang kamatayan. Mamahalin ako ni Ama. Simula noon, kami lagi ni Ama ang nasa bahay na iyon. Kaming dalawa sa silid. Nililinisan ko si Ama. Titiyakin kong walang ni isang bahid ng dugo ang dudumi sa katawan niya. Binihisan ko siya ng maayos na pantulog. Inihihiga ko siya sa aking kama para kami ay magkatabi.
Pagkalipas ng isang taon, kasama ko pa rin si Ama, sa aking kama, sa aking silid. At sa mga panahong nagdaan, doon ko naramdaman ang pagmamahal niya sa akin. Hindi na niya ako sinasaktan. Mahal pala ako ni Ama at mahal na mahal ko din siya.
Ma. Riza Flores Martinez, copyright 2009
Edited by Rose Flores - Martinez
Labels: fiction, Riza Martinez, Three Scary Stories
/rose flores martinez, 9.2011
2. Bolpen ni Wenzi Jeanne Flores Martinez, repost 9.2011;iwrotefiction
Bolpen, Three Scary Stories in Filipino 2. Bolpen Masarap mangarap, masarap mabuhay lalo na kung ang lahat ng iyong gusto sa buhay ay natutupad. Karangyaan, kayamanan, kasikatan yan ang pangarap ng lahat… at isa doon si Rosa. Si Rosa ay simpleng manunulat, may 2 anak at 6 na taon sa trabahong ito ngunit wala pa ding nangyayari sa buhay niya. Mahirap pa rin siya…at pawing lalong humihirap. “Pesteng buhay ‘to! Kelan ba ko aangat sa estado kong ito?” ani ni Rosa. “Lagi na lang ganito, walang gustong tumanggap ng mga isinusulat ko? E napakagaling ko naman!” “Ano ka ba Rosa? Maging matiyaga ka lang, may awa ang Diyos. Baka di pa dumadating ang tamang oras mo,” sagot ng kaibigan niyang si Leslie. “ Nga pala may opening sa darating na Biyernes sa may Ortigas, naghahanap sila ng mga writers para sa bago nilang ilalabas na libro, pwede ka doon. Bakit di mo subukan? Eto ang numero tawagan mo..” “O sige, mapuntahan nga yan baka yan na yung matagal ko ng hinihintay na break!,” sagot ni Rosa. “Oo nga, sige good luck sayo kaya mo yan. Balitaan mo na lang ako.” Sabi ni Leslie. Purisigidong pursigido si Rosa, naghanda ng mga write-ups, iniwan muna ang mga ibang gawain para makapaghanda para sa job opening na ito. Nangutang pa ng perang pang-parlor at pamasahe. Talagang handing handa na siya. Dumating ang Biyernes, handa na ang lahat, mula ulo hanggang paa ay ayos na ayos siya. Pagpasok sa building ay kapansin pansin siya: buhok ang nakaplantsa, damit ay mukhang nakahanger pa din at pedicure na kulay ginto. Sa table, habang pumippirma at nagpapasa ng mga requirements si Rosa… “Aba, hindi ka naman masyadong handa? So ikaw pala si Rosa,” ani ng kanyang katabi. “Oo ako nga, bakit? E sino ka ba?,” sagot ni Rosa sa katabi. “Haha… totoo pala na may pagkamayabang ka…,” sagot kay Rosa ng kausap. “Hindi naman masyado, may ipagmamayabang naman e… dahil magaling ako at alam kong matatanggap ako dito,” sagot ulit ni Rosa. Humalakhak na lang ang kanyang kausap at umalis ng hindi nagpapakilala… Pagkatapos ng ilang oras ay pinatawag na isa isa ang mga nag-apply.. Si Rosa na… Pag pasok sa kwarto ay nakaupo doon ang kausap niya kanina. Hawak ang kanyang resume at manuscript. “O, Rosa kamusta naman?! Maupo ka muna,” sabi ng lalaki. “Salamat po,, kung gayun kayo pala si Mr. Hernando Baltazar…,” sabi ni Rosa sa boses na nahihiya. “Ako nga, so, nabasa ko na ang iyong resume, at manuscript… napakawalang kwenta… ano to basura?,” sabi Mr. Baltazar. “Excuse me po… anong walang kwenta? Graduate ako sa kilalang unibersidad, may masteral pa ako, at isa pa… yang manuscript ko ay napakaganda,” pasigaw na sagot ni Rosa. “Sinong nagsabing maganda? Ikaw? Bobo ka ba?!” Basura to… Pwede ba wag ka ngang magsulat dahil wala ka ding maaabot… Pinipilit mo lang ang mga bagay na di mo kaya… Magtinda ka na lang ng kendi dyan sa tapat at baka sakaling yumaman ka pa…Hahaha!,” sagot sa kanya ni Mr. Hernando. Mabilis na dinampot ni Rosa ang kanyang gamit…at binantaan si Mr. Hernando… “Titingalain mo din ako baling araw, at sisiguraduhin kong ikaw ang magmamakaawa sa kin,” pasigaw na sinabi ni Rosa sabay binalibag ang pinto ng malakas. Malungkot na malungkot si Rosa parang buong mundo ay bumagsak sa kanya. Wala siyang nakuhang trabaho. May utang pa siya… “Ano gagawin ko?, Bakit wala bang gustong magbasa ng mga isinusulat ko!” sabi ni Rosa habang lumuluha. Naabutan na si Rosa ng ulan at gutom na gutom na siya. Bad trip na bad trip na siya. “Psst…!” Tila may tumatawag sa kanya ngunit wala naming tao… “Pssst!”… may simitsit ulit… “Hala sino bay un?!,” ani ni Rosa. Dahil sa sobrang galit lahat ng madadaanan ay pinagbubuntunan ng galit. Pati ang nakakalat na bolpen ay sinipa na lang… kawawang bolpen… “Aray!,” napasigaw si Rosa… “sino ba yung namamato?”… Tinamaan siya nung bolpeng sinipa nya…”Pssst!...Pssst!...Pssst!”… “Sino ka ba… at sitsit ka ng sitsit namamato ka pa?,” Pabalang na sabi ni Rosa… “Ako to ang bolpen!,” sagot ng bolpen sa maliit na boses. “Pulutin mo ko… matutulungan kita!”… biglang natauhan si Rosa. Namutla dahil nagsalita ang bolpen! “Di ba gusto mong yumaman… kailangan mo ko..” ani ng bolpen… “Talaga yayaman ako? Sisiskat?...Pano?,” tanong ni Rosa. “Basta kunin mo ko at tutulungan kita…” sabi ng bolpen. Dinala ni Rosa ang bolpen, nilagay sa bag at umuwi na sa kanyang bahay. Pagdating sa kanyang bahay ay pinatong ni Rosa ang kanyang bag dumiretso sa kusina at nagluto ng hapunan para sa kanyang mga anak. Pagkatapos maghapunan..ay kitang kita ang kapaguran kay Rosa. Pahiga na si Rosa ng biglang… “Pssst…! Rosa….!” Nagising bigla si Rosa pumunta sa kanyang table at nakita ang bolpen… “Ano bang magagawa mo e bolpen ka lang? Napakapangit… luma…at mukaha pang mumurahin!,” pasigaw na sabi ni Rosa. “Hindi mo alam ang pwede kong magawa. Pwede kitang pasikatin…payamanin…kahit anong gusto mo, mga pangarap mo ay maaabot mo, mga kaaway mo ay magagantihan, mga taong gusto mo ay mapapalapit sayo! Kaya ko yung lahat!..,” sabi ng bolpen sa kanya. “Talaga lang ha…e bolpen ka lang pano mo naman matutulungan si Rosa na isang magaling na manunulat?” pagmamayabang ni Rosa. “Hello? Ikaw magaling? E bobo ka nga e…wala kang katalent talent kaya walang gustong bumasa ng mga sinusulat mo kasi para silang nagbabasa ng basura! Basta tutulungan kita… Pero sa isang kondisyon…” sabi ng bolpen. “Ano naman yun?,” sagot ni Rosa. “Ibibigay ko ang utak ko kapalit ng kaluluwa mo…Hahahaa!,” tuwang tuwang sagot ng bolpen kay Rosa… “Ang kaluluwa ko? Ayoko nga!, ” sagot ni Rosa sabay biglang tinapon ni Rosa ang bolpen… at pumunta na sa kanyang kama at natulog… Sa kalagitnaan ng gabi biglang nagising si Rosa… Hindi siya makatulog kaya naisipan nyang magsulat na lang. Dinampot niya ang kanyang bolpen at kumuha ng malinis na papel. ”Kaiinis bakit naman walang mga tinta tong mga bolpen dito?,” pasigaw na sabi ni Rosa. Lahat ng bolpen na makuha nita ay walang tinta hanggang may isang pluma na nadampot nya…”Eto buti naman at may sumulat din dito sa mga bolpen dito,” ani ni Rosa. Nakatapos si Rosa ng isang writeup…ng mapansin nya na ang bolpen na hawak nya…”Hahaha… sabi ko na sayo… ako lang ang makakatulong sayo! Hahaha..” ani ng bolpen. “Hala… “Ba’t nandito ka? Tinapon na kita ha?!,” Namumutlang sagot ni Rosa. “Sabi ko naman sayo ako lang ang makakatulong sayo e… tingnan mo nakusaulat ka ngayon. Bukas ipasa mo agad yan at tiyak ko nay an ang magiging umpisa ng kasikatan mo…Hahaha!,” sabi ng bolpen. Napaiyak si Rosa dahil alam niya ang magiging kapalit ng paggamit niya sa bolpen ay ang kanyang kaluluwa. Di niya alam kung anong gagawin niya. Kahit pilit niyang itapon ang bolpen ay bumabalik pa din sa kanya… Kinabukasan ay napagisipan na ni Rosa na ipasa ang kanyang nagawa nanginginig na isinilid ni Rosa ang papel sa envelope…At dali dali ng umalis… Naipasa na ni Rosa ang kanyang ginawa… Walang sinabi sa kanya. Ang sabi ay tatawagan na lang daw siya. Pagdating sa bahay biglang ring ng telepono… “Kring…….!” “Hello, Magandang hapon!,”sagot ni Rosa. “Hello, Magandang Hapon po.. nandyan po ba si Rosa?” sabi ng nasa linya ng telepono. “Eto na nga po!,” sagot ni Rosa. “ Eto po si Mr. Erwin Lee, from Maxx Publications, nabasa namin yung mga writeups ninyo at napakaganda. Pwede ba naming ilagay sa libro naming?.. At saka gusto naming na magsubmit ka pa ng marami! Napakagaling mo kasi talaga,” sabi ni Mr. Lee. “Talaga po?.. Sige po bukas na bukas dadalhan ko pa kayo ng maraming writeups at manuscripts!,” Tuwang tuwang sagot ni Rosa. “Sige, pumunta ka dito sa opisina ko bukas ng umaga at gusto din kitang makausap,” sagot ni Mr. Lee. Pagkababa ng telepono ay nagtatalon sa tuwa si Rosa. Nung gabi ay nagsulat pa siya ng marami gamit ang bolpen na napulot niya. Nakalimutan muna ni Rosa ang kapalit na hinihingi ng bolpen… ginamit niya ito ng ginamit hanging sa sumikat na siya. Sikat na sikat na si Rosa. Lahat ng tao ay iginagalang siya at tinitingala… Napakayaman niya na din… “Salamat sa’yo bolpen… tama ka…ikaw lang nga ang makakatulong s’akin. Kung wala ka siguro…walang wala pa din ako…,” bulong ni Rosa sa bolpen. “ Hindi ako tumatanggap ng salamat. Gaya nga ng sabi ko sayo kaluluwa mo ay akin na,” sagot ng bolpen. Namutla si Rosa. Naalala niyang ang lahat ng kanyang naabot ay may kapalit: ang kanyang kaluluwa… “Pwede ba iba na lang?! Wag lang ang aking kaluluwa…,” nagmamakaawang sagot ni Rosa. “Utak ko para sayo, Kaluluwa mo para sakin… yun ang usapan!,” sagot ng bolpen. Ilang araw naging balisa si Rosa pilit niyang nilalayo ang bolpen para hindi niya magamit ngunit kahit anong gawin niya ay kusang lumalapit pa din to…Pilit niyang sinisira ngunit di pa din masira… “Hahaha… di mo ko kayang sirain…Hahaha!” sabi ng bolpen. Pilit pa din ni Rosa na sinisira yung bolpen ngunit tila lumalaban ito na parang tao…”Sige kung di kita masisira… di mo din makukuha ang kaluluwa ko!.” Sagot ni Rosa. Sabay biglang itinusok ang bolpen sa kanyang lalamunan. Bumagsak si Rosa sa mesa… Naging pula ang papel sa natahimik na buong paligid… “Matitigil na din ang kasamaan mo… ako na ang huli mong biktima!” sabi ni Rosa hanggang unti unting nawalan na ng hininga… “Pssst… hahahaha… Walang makakasira sa akin....Hindi ninyo ako kaya… Hahaha!” –Bolpen Wenzi Jeanne Flores Martinez, copyright 2009 Edited Rose Flores Martinez, 2009Labels: fiction, iwrote fiction, three scary stories in Filipino, wenzi jeanne f. martinez |
Friday, September 23, 2011
GOD's Minute: A Story from Pastor Allen
AND HE TOOK THE CHILDREN IN HIS ARMS, PUT HIS HANDS ON THEM AND BLESSED THEM.
( MARK 10:16 *NIV )
Dear Rose,
We often find that children do amuse us with their explanations. Now as you know little children come up with some amazing explanations. So today we will take a look at a message I have received from one of our Subscriber's titled: A Child's View of the Bible."
It is my hope that this will give you a smile in your heart, and a laugh on your face. After all, it is said "Laughter is the best Medicine", especially for a Saturday Morning!
______________________
A CHILD'S VIEW OF THE BIBLE
A child was told to write a book report on the entire Bible.
This is amazing!!. I wonder how often we take for granted that children understand what we are teaching??? Through the eyes of a child here is the Children's Bible in a Nutshell.
In the beginning, which occurred near the start, there was nothing but God, darkness, and some gas. The Bible says, 'The Lord Thy God is one, but I think He must be a lot older than that. Anyway, God said, 'Give me a light!' and someone did. Then God made the world.
He split the Adam and made Eve. Adam and Eve were naked, but they weren't embarrassed because mirrors hadn't been invented yet. Adam and Eve disobeyed God by eating one bad apple, so they were driven from the Garden of Eden. Not sure what they were driven in though, because they didn't have cars. Adam and Eve had a son, Cain, who hated his brother as long as he was Abel.
Pretty soon all of the early people died off, except for Methuselah, who lived to be like a million or something.
One of the next important people was Noah, who was a good guy, but one of his kids was kind of a Ham. Noah built a large boat and put his family and some animals on it. He asked some other people to join him, but they said they would have to take a rain check.
After Noah came Abraham, Isaac, and Jacob. Jacob was more famous than His brother, Esau, because Esau sold Jacob his birthmark in exchange for some pot roast. Jacob had a son named Joseph who wore a really loud sports coat.
Another important Bible guy is Moses, whose real name was Charlton Heston. Moses led the Israel Lights out of Egypt and away from the evil Pharaoh after God sent ten plagues on Pharaoh's people. These plagues included frogs, mice, lice, bowels, and no cable. God fed the Israel Lights every day with manicotti. Then he gave them His Top Ten Commandments. These include don't lie , cheat, smoke, dance, or covet your neighbor's stuff. Oh, yeah, I just thought of one more:
Humor thy father and thy mother.
One of Moses' best helpers was Joshua who was the first Bible guy to use spies. Joshua fought the battle of Geritol and the fence fell over on the town. After Joshua came David. He got to be king by killing a giant with a slingshot. He had a son named Solomon who had about 300 wives and 500 porcupines. My teacher says he was wise, but that doesn't sound very wise to me.
After Solomon there were a bunch of major league prophets.
One of these was Jonah, who was swallowed by a big whale and then barfed upon the shore. There were also some minor league prophets, but I guess we don't have to worry about them.
After the Old Testament came the New Testament. Jesus is the star of The New Testament. He was born in Bethlehem in a barn. I wish I had been born in a barn, too, because my mom is always saying to me, 'Close the door! Were you born in a barn?' It would be nice to say, 'As a matter of fact, I was.'
During His life, Jesus had many arguments with sinners like the Pharisees and the Republicans. Jesus also had twelve opossums. The worst one was Judas Asparagus. Judas was so evil that they named a terrible vegetable after him.
Jesus was a great man. He healed many leopards and even preached to some Germans on the Mount. But the Republicans and all those guys put Jesus on trial before Pontius the Pilot. Pilot didn't stick up for Jesus. He just washed his hands instead.
Any way's, Jesus died for our sins, then came back to life again.
He went up to Heaven but will be back at the end of the Aluminum. His return is foretold in the book of Revolution. The end, awe men.
______________________
All My Love & Prayers,
Pastor Allen
[ Prayer Requests---Contact Us---Bible Study---*Donations* ]
[ Audio---Subscribe---Change of Address---Unsubscribe ]
at: http://www.godsminute.com
Apostle Paul Ministries, P O Box 55996, Hayward, CA 94545
This Daily Message was sent by request to:
Rose Martinez at <rose_voc@yahoo.com.ph>
Thursday, September 22, 2011
Wednesday, September 21, 2011
Dead Fire
|
| |||||||||
|
Friday, September 16, 2011
That Was How We've Been
For Wenzi and Riza
That was yesterday, I was a fire rock
And you were the upthrust wind
That was how we’ve been.
Everything trembled in our oasis
Because we have to get there,
And you - I want you endless.
That was how we’ve been
When I was young,
And you were younger
We carved caves and rocks
Cut fields
Crossed lakes
We passed sun and moon
Like smoke.
You grew up well.
That was how we’ve been
Raising your arms to God
Kissing the earth, the wonders of life -
And like stars -
Your eyes,
Love and joy gleamed.
Love and joy gleamed.
Rosevoc2. 9.17.2011
Wednesday, September 7, 2011
Tuesday, September 6, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)
-
February 6, 2010 FAITH, LOVE, TIME AND DR. LAZARO By: Greg Brillantes From the upstairs veranda, Dr. Lazaro had a view of stars, the...
-
January 11, 2010 Desire by Paz Latorena She was homely. A very broad forehead gave her face an unpleasant, masculine look. Her eyes, ...