Kapagdaka
Salin ni Dr. ZAS
Mababatid mo kapagdaka and gahiblang pagkakaiba
Ng pagdadaop-palad sa pagtatanikala sa isang kaluluwa,
At iyong mauunawaang pag-ibig ay di pagpapakalinga
At pagsasama-sama’y di katumbas ng kaligtasan.
At nagiging malinaw sa iyo na mga halik ay di kasunduan
At ang mga regalo’y hindi pangako,
At ang mga pagkatalo’y taas-noo’t mula
Mo nang matatanggap na may lumana’y ng isang babae
At walang lumbay ng isang bata,
Sa gayon natututo kang lahat ng landas mo’y ibatay sa ngayon
Dahil ang mga balaking nakasandig sa bukas ay walang layon
At papalipad pa lamang may katangiang bumulusok ang kinabukasan.
Mababatid mo manaka-naka
Kahit init ng araw ay nakasusunog kung kalabisan.
Kaya’t sariling hardin ay linangin at kaluluwa mo’y palamutian
Sa halip na maghintay na ika’y pag-alayan ng bulaklak.
At matanto mo na ika’y talagang mamamalagi...
Na ang loob mo’y talagang matatag...
At sarili mo’y talagang mahalaga
At matututo ka’t laging matututo..
Sa bawat paalam matututo.
Ika-23 ng Agosto, 1997; 12n.g.
/Mga Tula Ng Pag-Iral At Pakikibaka
Salin at Katha
ni Zeus A. Salazar
No comments:
Post a Comment