Posted: January 24, 2010
Pagnanasa
Salin ni Rose Flores - Martinez
Propesor: Dr. Zeus Salazar
DLSU: MFACREA:Lit680 (Pagsasalin Pampanitikan)
April 7, 2001
Pantahanan siya. Ang labis na malapad na noo ay nagbigay sa kanyang mukha ng pangit, at panlalaking hitsura. Ang kanyang mga mata, na maliliit, hilis sa mga gilid, ay nagpapataka sa kanyang mga kakilala ng maaring siya ay may ga-patak na makalangit na dugo sa kanyang mga ugat. Ang kanyang ilong ay malapad at sarat, at ang mga butas ay bukang-buka , na para bagang nagsusumakit sa paghinga. Ang mga labi ay makapal, ay isang mahaba, matuwid na hiwa sa kanyang mukha, na ginawang parisukat ang anyo dulot ng di-pangkaraniwang laki ng kanyang mga panga.
Ngunit ang kalikasan, para bagang napahiya sa paghamak sa pagkagawa ng kanyang katawan ng may kakaibang ganda. Ganap ang kanyang hugis. Busog ang kanyang dibdib, at ang mga ito’y nakatayo na parang kambal na rosas na namumukadkad.
Balingkitan ang kanyang baywang tulad ng sa isang bata, tila nagnakaw ng gasuklay na hubog ng buwan ang kanyang mga balakang. Maganda ang hugis ng kanyang mga braso na nagtatapos sa mailiit na maga kamay na may pino at ga-kandilang mga daliri ay kina-iingitan ng kanayang mga kaibigan. Mga binting makikinis na bukongbukong ay nagpapaalala ng manekin sa bintanang salamin sa mga shop na suot ang usong medias na yari sa seda.
Ang katawan niya, ay kinauuhawan ng mga ambisyong iskultor, na nangarap at nakahubog sa mainit at masiklab na paglikha, na may mga kamay na nagigninig at may pangitain ng pagsikat para sa sarili. Ang katawan, na maaring kagalakan o kawalan ng pag-asa ng isang pintor na may gumigiray na brush sa bigong pagususmikap na mailarawan sa canvas ang napakagandang pagkakaisa ng mga hubog at guhit. Ang katawan, na maaaring kahibangan ng mga makata at mapanatiling- buhay sa makahulugang mga tula. Katawan niya na magpapasiya, para sa mga kalalakihan kahit papuntang impiyerno.
At ginawa nga nila. Ang mga kalalakihan na tumingin sa kanyang mukha ay inilayo ang kanilang mga mata; ay pinagmasdan ang kanyang katawan at sila ay nagpa-alipin. Nakalimutan nila ang malapad at panlalaking noo, ang mga matang malilit na nakahilis sa gilid, ng nakasusuyang bunganga, ang mabalasik na mga panga. Lahat na minatyagan ng kanilang mga mata ay ang katawan, ang mga balakang na nagnakaw ng gasuklay na hubog ng bagong buwan.
Ngunit kinasusuklaman niya ng kanyang katawan – kinsusuklaman ang alay ng Kalikasan ng bagay upang magsisi sa pagkagawa sa kanyang mukha. Kinasususlaman niya ang kanyang katawan sapagkat ginagawa nitong ang mga lalaki ay mapatingin sa kanya na may makulimlim na ilaw sa kanilang mga mata - mata man ng mga may asawa, mata ng mga kabinataan.
Pag-ibig ang gusto niya, gutom siya sa pagmamahal. Ngunit ayaw niya ng pag ibig na pinupukaw ng kanyang katawan. Hangad niya ang anuman na dalisay, malinis.
Nasusuya siya. At nasasaktan. Dahil sinabi ng kalalakihan na minamahal nila ang kababaihan, tiningnang malalim ng kanilang mga mata ang mga kaluluwa, ang mga boses mababa at marahan, ang mga kamay nanginginig sa timbang ng pagkagiliw. Ngunit sinabi ng kalalakihan na mahal nila ang kanyang katawan na may mga matang nagsasabing para bagang siya ay hubad, hinuhubarang walang takip ng kanilang makasalanan ang mga mata para titigan. Sinabi nila ang mga boses na tigib ng pagnanasa, hinawakan ng mga kamay na nag-aapoy, na pumapaso sa kanyang laman, pinupuno siya ng paghamak at pagkasuklam.
Gusto niyang siya ay mahalin katulad ng ibang mga babaeng minamahal. Mabuti siya, dalisay din na tulad nila. At sila ay pantahanan ding tulad niya. Ngunit wala silang magagandang katawan. Kaya nga minahal sila dahil sila ay sila.
Sadya, itinago niya sa mga mata ng mga kalalakihan ang magandang katawan na para sa kanya ay sumpa higit sa biyaya. Nagsimula siyang gumamit ng mahaba, malapad na panamit na lubos na magpapapangit sa kanya. Hindi na siya nagsuot ng ksuotang Filipino na gumuguhit sa kanyang katawan ng ganap na kawastuhan.
Hindi kaagad nalimutan ng mga kalalakihan ang kanyang katawan na kinaluguran nila. Ngunit sa pagdaan ng panahon nakagawian nila ang pagpapapangit ng mga damit at ipinalagay na siya ay naging mataba at walang pigura. Natamo niya ang gustong mangyari.
At marami. Dahil dumating ang pagkakataon ng mga kalalakihan ay tumitig sa kanya at inilayo ang mga mata, hindi dahil sa pangit nakaraan kundi dahil sa pagka-awa na sumasalamin doon. – pagkaawa para sa pantahanang mukha at walang pigurang bukol na mga laman.
Sa una siya ay masaya. Masaya siya dahil siya ay nagtagumpay sa pagpatay ng pangit na ilaw sa mga mata ng mga kalalakihan kapag sila ay tumitingin sa kanya.
Pagkalipas ng ilang panahon, mapanghimagsik siya. Dahil siya ay isang babae at gusto niya ang mahalin at magmahal. Ngunit wari ayaw ng mga kalalakihan ang mga babaeng may pambahay na mukha at walang piguranng bukol na laman.
Ngunit nakipagsundo siya sa kanyang pananampalataya. At lalo pa upang huwag maibalik ang pangit na ilaw sa mga mata ng mga kalalakihan, pinili niya ang makipaglaro … sa komedya.
Pinili niyang sumulat upang palipasin ang mahahabang mga gabi na ginugol niya sa malungkot na mga isipin ng pag-iisa.
Maliliit na bagay. Maiikli na tulang liriko. Maliliit na dibuho. Minsan, ang mga bagay nito ang tibok ng puso ng mga babae na gusto ng pagmamahal at matatamis na mga bulong sa kanya sa dilim. Minsan, iyon ang mga panunuya ng mga makakakita sa mga kahinaan at mga kahangalan ng mga lalaki at ng mundo sa pamamagitan ng mga matang pinapait ng kalungkutan.
Ipinadala niya ito sa mga diyaryo, na nakitang ang maliit ng mga bagay na ito ay maaaring tanggapin at ilathala. “Para punuan ang mga puwang,” sinabi niya sa sarili. Ngunit patuloy siyang sumulat dahil ginawa nitong makalimutan niya kahit paminsan-minsan ang kanyang buhay ng mapanglaw.
At siya at dumating nga sa buhay niya – ang lalaking may maputing dugo sa kanyang mga ugat. Isa siya sa mga nanininwala sa kababaan mg mga de-kulay na lahi. Ngunit may nakita siyang kakaiba at magaan at mapanuyang mga batikos mula sa panulat ng di kilalang may akda. Hindi sa maiikling tula . Hindi, sa palagay niya iyon ay kalabisan ng pagkamaramdamin ng isang babaing nasa lahi, ng mga taong walang ibang maisip na isulat kindi ang tungkol sa pag-ibig. Ngunit gusto niya ang mababaw at mahangin na mga panulain. Iyon ay katulad ng mga tao sa kanyang lahi.
Isang araw, noong wala siyang magawa, nagpadala siya, upang siya ay pasiglahin, ng isang sulat ng pagpapahalaga. Ito ay maiksi. Ngunit sa unang sulyap ay ipinakita sa kanya na ito ay galing sa isang lalaking may pinag-aralan.
Sinagot niya ito, isang magaan, malokong sagot na nasalat ang pagkamapatawa ng lalaking puti. Ito ang naging umpisa ng pagsusulatan. Sa pagdaraan ng panahon, lagi niyang binabantayan ang kartero para sa kulay-abong papel ng galing sa lalaking puti.
Tinanong niya ito upang makipagkita- para makiklala siya sa personal. Ang mga sulat ay tunay na nakasasabik. Ang unang bugso para sa kanya ay tumanggi. Isang mapait na ngiti ang pumaikot sa kanyang mga labi samantalang pinagmamasdan niyang mabuti ang kanyang mukha sa harap ng salamin. Ang lalaking puti ay mabibigo, sabi niya sa kanyang sarili.
Subalit siya ay sumang-ayon. Magkikita din sila sa malaon ma’t madaling panahon. Ang unang pagkikita ay tiyak na pagsubok at kapagdaka, ito’y matapos, mas mabuti.
Siya ang lalaking puti, galing sa lupa ng magaganda, bughaw-na matang mga babae, ay nagulat. Marahil, nakita niyang mahirap na iugnay ang pangit na babae sa isang nakasusulat ng kalugod-lugod na mga dibuho, mga nakasisiyang sulat.
Ngunit siya ay nakapag-sasalita ng mahusay. Mayroon konting ugat ng katatawanan, medyo nakatutuya kung minsan, sa lahat ng kanyang mga sinasabi. At ito ang nakaakit sa kanya.
Tinanong ng lalaking puti siya, at lumabas silang muli. Sa may dalampasigan ng Manila Bay, noong isang gabi, nang ang kanyang pantahanang mukha ay pinakislap ng liwanag sa paligid nila, nakalimutan niyang siya ay dalagang kayumanggi – pantahanan at sa buong hitsura, walang tabas na nilalang. Ang kanyang katahimikan, sa bahagyang nakapikit na mga mata ay nakatitig sa malayo, maamo at nasa ilalim ng kanyang nakauunawang pagdamay, natanto ng lalaking puti na siya ay nagkukuwento sa kanya ng tungkol sa tahanan sa ibang bansa, kung gaano niya kamahal ang pagka-bughaw na mga mata ng mga kababaihan sa kanyang sariling lupa. Sinabi ng lalaking puti ang kanyang pagmamahal sa dagat, at sana gugulin na lamang niya ang buhay sa dagat, palutang-lutang, patungo kung saan.
Nakinig siyang mabuti ng tahimik. Pagkatapos nagising ang puting lalaki sa balani, parang napahiya sa pagbulalas ng kompiyansam at idinagdag ng walang pitagang:
“Ngunit ikaw ay kakaiba sa ibang babae ng iyong lahi,” tinitingnang malalim ang kanyang mga matang hilis sa gilid.
Ngumiti siya. Natural siya nga ang pangit at walang-pigurang laman kung paano siya nakikita.
“Hindi, hindi ‘yan ang aking ibig sabihin,” ang kanyang pagtutol, pagdadakila sa kanayng mga isipan, “wala kang masyadong pakialam sa mga kaugalian. Walang Pilipina ang makikipag-kita sa isang lalaking puti na walang kasama simula pa lamang.”
“Ang isang pangit na dalaga ay maaaring suwayin ang mga kaugalian. Walang makikialam sa kanya kung gagawin niya ito. Iyan ang isang konsolasyon ng pagiging pangit,” ang kanyang marahang sagot.
Tumawa siya.
Marami kang kakatwang palagay,” ang kanyang puna.
“Dapat mayroon ako,” ang kanyang hagkis na sagot. “Kung wala ako, walang makakapansin sa akin, sa aking mukha at sa aking … aking katawan,” namumuhi siya sa kanayang sarili sa pagbigkas sa mga huling salita.
Tiningnan siya ng lalaking puti na walang pagtukoy, para bagang naghahanap ng kagandahan sa kanya.
Ngunit gusto kita,” ang paghatol ng lalaking puti, sinabi ng walang pakundangang pagtatapat.” Hindi pa ako nakababayakid ng kawili-wiling babae sa matagal na panahon.”
Nagkita silang muli. At muli, mga ideya. Masasayang mga paglingap ang kabuuan ng kanyang isipan. Nakakita na kaya siya ng isang kaluluwa na magugustuhan siya ng tapat? Dahil ang lalaking puti ay may pagtingin sa kanya, at handing maniwala. Bilang kaibigan, isang kasama na naiintindihan siya. At ang kaisipan ay binigyan siya – sa ganang hindi pa niya naranasan kahit noon.
Isanng araw, isang ideya ang kanyang naisipan – sadyang laging alaala niya. Ang lalaking puti ay nagmamahal ng magagandang bagay – ng kagandahan sa kahit na anong anyo. Napansin siya ito sa lahat ng kanyang mga pagkukuwento, sa bawat tingin, sa kanyang bawat galaw. Upang maipakita sa kanya na siya ay di-tunay na hubad sa kagandahan na kanyang sinasamba, ay may pumasok sa kanyang isipan.
Hindi ito makagagawa ng pinsala, sinabi niya sa kanyang sarili. Natutuhan ng lalaking ito na siya ay magustuhan dahil siya ay siya. Natutunan niya ring pahalagahan ang kanilang pagkakaibigan, pantahanan man siya at walang pigura sa kanyang buong akala. Walang tunay na halaga ang kanyang katawan ngayon. Ikalulugod marahil ng lalaking puti ang kanyang kagandahan ngunit hindi ito magiging kapansin-pansin para sa kanya.
Sa kailaliman ng napakalumang baul, ay binungkal niya ang isa sa mga manipis at makorteng mga bagay na nakatago doon sa maraming taon. Habang tinitingnan niya ang kanyang sarili sa salamin bago sila magpakita, ay masama ang loob na tinanggap niyang ang kanyang katawan ay walang kupas sa kinapootan niya ganda nito.
Namangha ang lalaking puti.
Totoong naigaya.
Sanay siya sa magandang mga katawan ng mga babae sa kanilang lipi, ikinumpisal niya na ang dalaga ay may di-pangkaraniwang ganda.
“Bakit mo itinago ang napakagandang hugis sa tagal ng panahon? Sinabi niya sa mapangutyang galit.
Hini ko alam na ito ay maganda,” nagsinulngaling siya.
“Pouff! Alam kong hindi akma na sabihin sa isang dalaga na siya ay sinungaling, kaya hindi ko gagawin. Ngunit… ngunit…”
“Ngunit…” ang takot ay simulang gumapang sa kanyang boses
“Mabuti pa… Mag-usap na lamang tayo ng ibang bagay.”
Bumuntong – hininga siya. Siya ay tama. Natagpuan niya ang isang lalaking walang pakialam sa kanyang katawan. Hindi niya kailangan ang babala. Natutuhan ng lalaking puti na siya ay magustuhan dahil siya ay siya.
At sa susunod nilang pagkikita, isinuot niya ang isang pusyawing rosas na kasuotang Filipino, na pinalambot ng kaymaggi sa kanyang balat. Kumislap ang kanyang mga mata sa pagtingin sa kanya, ngunit kung ito man ay ang pangit na ilaw na kanyang kinatatakutan, ay hindi niya napansin sapagkat ang tingin ay biglang nawala. Hindi, hindi ang madilim na ilaw. Ginusto niya ang dalaga dahil siya ay siya. Ang paniniwalang ito ang kanyang kinipkip.
Namasyal silang sakay sa labas ng lunsod, kung saan ang hangin ay banayad at presko at ang mga bambu ay nanabik sa pagmamahal sa simoy ng hangin. Binisita nila ang isang nipang tsapel sa tabi ng daan kung saan ang isang hubad na lalaki, nakapako sa krus, ay tumitingin sa kanila nga mga matang dala ang laha ng kalungkutan at pighati sa mundo – para sa mga kasalaanan ng mga lalaking naliligaw ng landas.
Tumingin siya sa imaheng nakadarama ng pagkalito at di-maipaliwanag na damdaming nagyayari sa kanya. Bumaling siya sa lalaking puti nang may pagkaawa at nalamang siya ay nakatitig sa kanya … sa kanyang katawan.
Bahagyang namula ang lalaking puti. Sa katahimikan iniwan nila ang maliit na tsapel. Tinulungan niya ang dalaga sa pagpasok sa oto ngunit hindi kaagad nitong pinaandar.
“Ma…Ma…Mahal kita…” sinabi niyang pautal matapos ang ilang sandali na itinulak ng malakas na puwersa. Pagkatapos ang lalaking puti ay tumigil.
Ang mga matang maliliit na hilis ay tunay na maganda, may ilaw at banayad habang tumingin sa kanya. Kaya mahal siya ng lalaking puti. Natutunana din kaya niya siyang mahalin hindi lamang magustuhan? Para sa dalaga. At ang kalahati ng kumpisal ay umaalingawngaw sa puso ng dalang gutom sa pag-ibig.
“Oo…” mayroong pagmamakaawa sa kanyang tinig.
Lumunok siya ng mabuti. Mahal… ko ang iyong katawan,” tinapos niya sa mababang boses. At ang bughaw na mga mata ay sumiklab kasama ng nakatakot, nakamumuhing ilaw.
Bumigkas ang dalaga ng hindi sinasadyang sigaw na pagtutol, ng sakit, ng maling akala. At pumakawala sa kanya ang paghikbi.
At natanto ng lalaking puti na nagkasala siya sa maliit na kayumangging babae na may pantahanang mukha at magandang katawan, at iyon ang pinakamassakit para sa kanya. At ang lalaking puti ay nagisisi, walang tigil sa pagsisisi.
Nang tumigil sila sa pinto ng bahay ng dalaga, lumabas ang lalaking puti para buksan ang pintuan ng kotse.
“Patawarin mo ako,” ang tanging nasabi ng lalaking puti.
May daigdig ng pagsisisi sa mga matang tumingin sa kanya.
“Para saan? Tinanong ng pagod na pahayag. “Naging tunay ka lamang na ikaw…katulad ng bang lalaki.” Napangiwi ang lalaking puti.
At sa pagtawang nakababagot, ang dalaga ay dumaan sa gitna.
http://iwrotefiction.blogspot.com
No comments:
Post a Comment