Monday, February 21, 2022

On February 21, 2022: VAXSIN

 


PANDEMIC SHORT STORY

VAXSIN

 

 

Ang bampira ay kumakagat kapag bilog ang buwan.  Masakit ang kagat, bagamat lunas ang uminom para sa uhaw na lalamunan. 

“Tandaan mo mahal kita.  Ano pa man ang kinasapitan ng panahon kailangan tayong maging matatag.”

“Naiintidihan ko.  Salamat sa iyong kabutihan.”

Hinalikan, maamo, bago kinagat ni Arthur and leeg ni Tasha.

===

Madalas, sabay sa pagsanib ng dilim at bukang liwayway ang pagkagat para lunas sa virus.

Iyan ang problema sa panahon ng pandemic, ang nakatatakot at nakamamatay na virus.

Sa buong mundo at doon sa bayan nina Arthur at Tasha ay hawahawa  ang mga may sakit.

Isang fornite o dalawang linggo ang kwarantin para mapuksa ang virus at mabawasan ang bilang  ng mga may sakit.

Abala ang lahat parang pelikula at walang kasagutan ang bukas.  Balisang paikot-ikot ang mga motor sa supermarket, sa palengke, sa botika, sa bangko.

“Hindi pa magbubukas ang kantin Tasha. Wala pa kaming pasok dahil iilan lang ang mga tao sa opisina. Gusto ni Boss safe ang mga empleyado.”

“Kami din shifting pa sa clinic kasi wala munang biglaang mga chek-up sabi ni Doc. Dapat ay naka-skedyul ang pagpunta sa clinic.”

Paikot-ikot ang mga motor sa daan.  Bihira ang mga naglalakad. Ang mga ugong ng traysikel at grab papunta ng supermarket, sa drugstore, sa palengke, sa bangko, o ospital para sa mga pangangailangan ang pumapaimbabaw sa paligid ang bida.

 

Isang araw sa celfone…

“Walang na kaming pambayad sa upa ng bahay, Arthur. Kung pwede hihiram muna ako ng pera sa iyo. Sabi ng may-ari pede kaming ma-late kasi may pandemic, pero sana kahit isang buwan lang muna ay magbayad.  Mag-aapat na buwan na kaming hindi pa nakakabayad dahil sa pag-aaral ng mga kapatid ko na parehong graduating sa elementary at high school.  Alam mong ako ang tumutulong kila Mama.  Kung pwede sana tatlong libo ang hihiramin ko…kung pwede…”

Madalas ang pag-uusap nina Arthur at Tasha ay sa celfone at internet lamang.  Bago mag-pandemic may balak na silang magpakasal kaya lang, itinigil nila ang lahat na plano dahil ang naipon nilang pera ay pinangtutustos nila sa mas importanteng mga pangngailangan.

Sa panahong ito, marami ang nawalan ng trabaho, o kung meron man bawas ang mga araw.  Ang mga mas pamaparaan ay nagtitinda at nakikipagisa sa mga kamag-anak o kaibigan ng ibang trabahong pansamantala.  Ang marami salat sa pagkain kaya lalong nanghihina.  Hindi kayang tustusan ng watak na gobyerno o pag-sasarili ang problema ng pandemya. 

“Kailangan mo siyang tulungan Arthur,” sabi ni King.  Kawawa naman si Aling Tess at ang mga estudayante kung mapapaalis sila.  Matitigil pa sa pag-aaral., naku!  Meron naman tayong kita sa mga delivery ng pack meals.”

“Tama ka, Kuya King.  Mamaya, padadalhan ko siya sa G-Cash o Pay Maya. Yung pera pala nating naitabi kailangan para sa vaccination .  Itago mong mabuti at marami ang mga mag-iinteres niyan dahil sa panahon ngayon.”

Ilang araw ang nakalilipas, may balita na namang bago sa TV.  Na hindi na raw kailangan ang pera para mag-pavaxsin.  At dahil hindi rin kaya ng pamahalaang tustusan lahat ng mga mamamayan nito, may ilang tao na inuna sa vaxsin na nadulutan ng kakaibang lakas.  IIlan lamang sila, at kung sino ang may malakas na pangagatawan at lakas ng loob para magpauna ng sarili. Pagkatapos sila ay makakapag-lagay ng anti-virus mula sa kanilang kagat.  Ngunit - hindi na sila makalalabas sa umaga at sa may araw, kundi sa hating gabi lamang.   

Maraming na-interview buhat sa ibat ibang bansa at nagpatunay sa safe nga at nakatutulong sa pagpuksa sa pagdami ng virus ang mga taong ito.  Talamak nga ang pandemic at kung hindi ka mag-ingat at mahina ang katawan ay may banta ang kamatayan.

Samantala…

Tanghali sa bahay nina Tasha, habang sila ay kumakain, nabasa niya ang text ni Arthur.

Sa text ni Arthur ay ito ang meseyg.  “Hello Tasha, nagpadala ako nung pera.  Check mo sa G-cash account mo.  Sa makalawa pupunta ako sa inyo.  HIntayin mo ako.  Mayroon akong sasabihin.  Mag-ingat kayo diyan.”

Napasigaw si Tasha “Mama, may pera na tayo!  Ipadadala ko na sa account nila Mrs. Morero yung upa natin para sa isang buwan.  Salamat kay Arthur.  Kaya kayong dalawa mag-aral ng mabuti para kapag maluwag na ay makahanap ng part time work.  At mabuti, hindi kayo matitigil sa pag-aaral.”

“Ay sige at aayusin ko na rin ang iba ko pang mga order na panahi at repair.  Mahirap maglipat bahay lalo na kapag ang mga suki sa panahi ay malayo.  Dito sa simbahan, marami sila Pader Cris pinagagawa sa akin.  Salamat po sa Diyos naayus ang problema ta.”

“Bukas pupunta dito si Arthur, Mama.  May sasabihin siya sa akin na importante.”

“Ano ba iyon?”

“Parang seryoso nga.  Tanong naman ako ng tanong bisi daw siya kaya bukas na lang.”

“Ate pumila pala ako sa Baranggay kanina para sa immunization, sabi basta sa sunod na lang daw ako bumalik kasi puno na ang slots. Uunahin muna nila ang mas may kailangan, tulad ng seniors at may mga co-morbity na tinatawag.”

“Si Mama?  Pwede?”

“Hindi ko alam kasi sobra dami ng tao.  Baka dun pa magkahawaan.  Hindi nila na organize kasi takot na takot na ang marami dun sa San Jose… kaya baka next time na naman.”

“Wala na.  Kailangan magbigayan na lang at mag-ingat.  Kung hindi lahat ng mga tao magkakagulo.  Hindi na kaya kung ang pamahalaan lamang ang lilitis sa pandemya.  Kailangan lahat ay mag tulungan.  Kaya nga sa klinic kahit huli na ang suweldo namin okay lang dahil ang mga pasyente naming ay puro check- up  lang at hindi na araw araw.  Relyebo pa kami.”

Natapos ang pag-uusap nila habang kanya –kanyang nagbalikan sa mga ginagawa.  Naghugas ng mga pinggan ang bunsong kapatid.

Ang mga computer ay bukas.  Ang mga celfone ay nag-aabang ng text at notifikaysyons.  Sa panahon ng pandemic ang bawat isa ay nagsusumikap upang maka-pagtrabaho, makapag-aral, magki-pagkamustahan sa mga kaibigan at kamag-anak, at makapag-dasal din.  Ang iba naman salat sa paniniwala at puno ng takot.  Mabuti na lamang ay may mga frontliners may mga magbubuwis pa, may  mga susubok pa upang mabawasan ang paghihirap ng mga tao sa ibat ibang lugar.  Isa na rin si Arthur.

Umaga sa bahay nila Tasha.

“Tao po.  Tao po.  Si Arthur po.”

“Arthur napaaga ka. Halika Love sa loob.”

“Gandang umaga Kuya.”

“Magandang umaga, Daniel.”

Lumapit si Arthur kay Tasha at hinila sa gilid ng sala na malayo sa mga kapatid.  Seryoso ang kanilang usapan.  Makikitang nangingilid ang luha ni Tasha.  Yinakap siya ni Arthur.  Mahigpit ang kapit nila sa isat isa.  Mahigpit ang yakap at hanggang  maglayong  muli.  Mabilis tumayo na si Arthur.

“Mama aalis na muna ako.  Mag-iingat kayo.  Babalik ako sa isang linggo.”

Nagkatinginan ang lahat.  Tumahimik lamang si Tasha at pumasok sa kanyang silid.

Araw-araw may dumarating na bagong balita sa radyo, sa TV, at sa internet. Napapa balita na ang mga vaxsinaysyon at ang karagdagang lunas sa makakatulong sa pagsugpo sa pandemia.  Ang mga mukha nila sa close up ay maputi at laging kuha sa gabi.  Matitipuno ang mga katawan at maliliksi.  Kaunti lamang ang babae at ang karamihan ay mga lalaki. 

“Magpa-register po ang kaya o gustong sa gabi ang trabaho. Iwas pandemic po kapag kinulang na tayo ng regular vaxsins. Kaya lamang po, hindi  pedeng lumabas sa araw at dapat ay sa gabi  lamang.  Makipag-ugnayan po sa amin sa numerong ibibgay ng Department.  Magtulungan po tayo at walang dapat ikabahala.  Nasa atin din pong pagkakaisa ang lunas!”

Makalipas ang isang lingo bumalik si Arthur kila Tasha ng hating gabi.  Alas dos ng madaling araw.

Binuksan ni Tasya ang pinto.  “Salamat at bumalik ka Arthur.”

“Hindi ako pwedeng magtagal kailangan kong umalis ng alas tres ng madalaing araw.  Gusto mo bang sumama sa akin sa pag-alis?”

“Magpapaalam ako kila Mama. Sa isang araw na kaya…”

“Maayoos naman dun sa kinalalagyan sa amin.  Madilim nga lang.  Bawal kaming maarawan kaya gumagawa kami ng mga bagong tirahan.  Mamayang umaga ang tulog o pahinga.”

“Makakayanan ko kaya?”

“OO magkasama naman tayo at mga tao din naman tayo sa gabi, parehas lang.  Mahigpit na bawal nga lang ang araw o liwanag.”

Nang gumising si Mama Tessie.  Arthur ano ba ang nangyayari?

“Mama, aalis muna kami ni Tasha at baka matagal kaming makakabalik.  Bibigyan namin kayo ng mga supply o ipadadala na lamang.  Kapag hindi kayo nakakuha ng bakuna.  Kailangan mag-ingat kayo. Doon muna kami sa bagong tirahan, sa Night City.”

“Sige humingi tayo ng awa sa Diyos.” Mag-iingat kayo.

“Tayo na Tasha , nandyan na sila.  KInagat ni Arthur ang leeg si Tasha at kinarga papunta sa labas sa naghihintay na van.

 

/rose flores martinez. April 24th, 2021.

PARA SA KATINIG