June 24, 2014
“Kita
tau?” nabasa ko sa iskrin ng aking selfon.
Napangiti ako. Itiniggil kong muli ang paghuhugas ng mga pinggan para
makapag-text.
Kelan?
“Maya
sa baba ng LRT. Kain sa labas tapos,
bahala na.Sige. Tex kta maya kung
tuloy.Miz na kita.”
Dalawang
buwan na kaming magkakilala ni Alex.
Seatmate ko siya sa tren.
Dapat
“first class with beds”ang trennamin
kaya lang nagkaaberya. Sabing train supervisor ay mamili na lang daw kung gusto ang sunod na
sleeper pero walang aircon o ang third class na paalis na. Humingi ang supervisor ng patawad para sa
PNR.
“Ano
pa nga ba ang magagawa ng mga pasahero,”
pakutya kong sabi para marinig ng marami.
Naghintay
ang mga pasaherong gusto ng makaalis.
Ang
third class ay walang aircon, walang sleeping beds, walang malambot na upuan. Ang
mga ilaw ay parang kutitap ng gamogamu.Di tulad sa first class malamig at
maluwang. Sira ang carriage ng first
class kaya ang mga pasaherong gustong makaluwas kaagad ay sumakay na rin.
“Bahala
na, kung bukas pa ako luluwas ay hindi ako makakahabol sa meeting.”
Agawan
kami sa pagpila sa ticket booth para ma-irefund ang pera. Lahat nagbakasakali. Pati ang apat na postoryosang senior citizens
ay sumakay na rin. Waring lahat kami sa
first class ay may hinahabol.
Mabilis
tumabi sa akin ang isang matandang lalaki. Grabe kung makatitig. Para akong
kakainin. Umalis ako sa tabi niya at
nagawi ako sa pinto katabi ng isang babae at isang lalaki. Nagusap kami ng katabi ko.Mayla ang pangalan
ng babae.Natuwa ako dahil may kasama na ako.
Sa ilang sandali, lumipat si Mayla sa harapan dahil natakot sa katabi niyang
lalaking mataba na siksik nang siksik sa kanya.
Sumenyas si Mayla sa akin.
Paalis
na ang tren at tabi na nga kami ng lalaki at isang tineyger na may dalang lata
ng biskuwit.
Ngumiti
sa akin ang lalaki. Ngumiti din ako.
“Bakit
ka lumipat ?” tanong ng lalaki.
Ayoko
dun sa dati.
Parang
nahalata niya na natakot ako sa matandang lalaki. “Takot ka dun sa mama? Hindi ka aanuhin niyon.Matanda na si Tatay.”
Ayokong
makipagsapalaran .Bastos siyang tumingin.Parang nanggigitgit pa ng katawan.
“Ako
si Alex.”
Peechy.
Inilabas
niya ang isang ID na nagpapatunay ng kanyang pagkatao.Isa siyang agrikultyurist.
Ilang
sandali pa umandar na ang tren.
“Dapat
hindi tayo dito nakasakay ngayon. Sana
nainform nila kaagad na may problema para napalitan agad ng ibang tren sa ibang
araw.”
“Oo
nga!Malaki and diperensya nitong PNR. Dapat
bigyang pansin ito ng gobyerno kasi inaasahan ang trenng publiko.”
Ang
trenay tatalon talon.Di gaanong mabilis.Ang mga katawan ng pasahero parang nakasakay
ng kabayo.
“Diyos
ko nakakatakot naman ang mga pintong dito, parang may giyera. Ang aluminom
door ay bukas- sarang humahampas. Parang may labanan.
Natawa
si Alexsa sinabi ko.
“May
asawa ka na?”
Meron.
“Bakit
hindi mo kasama?”
Nasa
abroad. Sa Dubai.
“Ako
hiwalay.Kaya binata ako uli. Ang ganda
mo” Misteryoso ang kanyang ngiti ngunit alam ko
mabait siyang tao.
Pinagmasdan
ko si Alex. Matikas.Mataas. Moreno. Ang mga bisig niya, maskulado at matatapang
ang mga ugat.
Naging
sagabal ang pinto ng tren sa akin, sa diwa,
pati na sa pag-uusap namin. Halos mapayuko ako sa takot na gustong
magtago sa ilalim ng upuan. Yun bang
parang may kalaban ka na hindi mo nakikita.
Hindi ka man lamang makaganti.
Grabe
naman ang pinto nila parang may sasalakay na mga terrorista .
Natatakot
ka nanaman? Huwag kang matakot, isipin
mo ako ay sundalo. Sanay ako sa
bundok. Tumawa siya.
Tumawa
rin ako.
Pero
kahit anong lakas at tapang niya grabe ang takot na bumalot sa akin nung gabing
iyon. Parang may dudukot ng likod ko sa
bintana. Parang may babaril sa bukas at sarang
pintuan. Parang may magtatapon ng
Granada sa madilim na loob ng tren.
Marami
sa amin ang waring hindi sanay sa third class na iyon dahil sa first class
dapat kami nakasakay. Ang matandang babae sa harapan ko ang nagpalakas ng loob
ko; ang akap niya ay ang kangyang higanteng kahon. Waring sanay siya sa third class. Nakihati ako sa nakita kong katapangan.
Ngunit
sa paghampas na naman ng pinto ay nagulat akong muli. “Diyos ko!”
Maluha-luha ako sa takot at hindi nagatubili si Alex. Niyakap niya ako. Mabilis at mahigpit niyakap ko rin siya.
Mayamaya
tumigil mulisa isang estasyon ang tren.Bumitaw ang aming mga bisig.
Kalmadong
muli ang mga pasahero. Tahimik ang lahat; maingat sa gabi.
“Iwan
ko sa ‘yo ang gamit ko. Punta lang ako
sa comfort room.Ikaw?”
“Hindi,
ayokong gumamit ng toilet.”
Ngumiti
sa akin si Alex.
Naglakad
siyang marahan, maingat para hindi madapa sa tren. Malakas ang kanyang mga hita, matatas ang
kanyang likod.
Ang
bag niyang itim ay iniwan ngasa akin.
Parang gusto kong buksan upang malaman ko kung anong kulay ang bituka
niya.
Maya
maya pa bumalik na si Alex.
Malinis
ba ang toilet?tanong ko.
“Hehe,
okay naman.CR ka na...”
Hindi.
“Ayaw
mo lang yata,” parang nanunuya siya.
Ayaw
ko talaga. Isa isang lagok langng tubig
ang iniinom ko.
“Hindi
ka nagugutom?”
Hindi.
Andar
ng andar and tren at marami pa kaming pinag-usapan. Nawawala ng panandalian ang takot ko. Pero bumabalik kapag biglang kumakalabog ang
mga pinto.
Sa
tuwing nahahalata niya ang sidhi ng takot sa ‘kin ay hinahawakan niya ang kamay
ko. Hinawakan ko rin siya. Ramdam ko may
kapangyarihan ang kanyang mga kamay.
“Tulog
ka na. Babantayan kita,” ang sabi ni Alex.
Okay
lang ako. Ikaw na ang matulog at ako ang magbabantay.
Sa
gabing iyong parang nakakita ako ng kasama sa biyahe. Malaking bulong ng aking
puso ‘ Salamat po’. Marahil kung wala si Alex grabe na ang sakit ng utak at
katawan ko sa takot. Mabait ang Langit.
Payapang
muli ang tren.Pawang lahat ng mga pasahero ay nakapikit. Ang iba naman may headphones at nakikinig.
Ang
ilaw sa loob ng tren ay kutitap ng isang wat lamang.Ano ba naman ang PNR?Sa
isip ko kahit third class dapat may lock ang mga pinto, may wastong ilaw at malinis
na toilet. Dapat may gard din at kliner
dahil 21st century na tayo.
Ensure
passengers’ safety! Ginising ko si Alex.
Di ba Alex?
Tumawa
siya at iminulat ang mga mata.
Hindi
ako makatulog sa lalim ng gabi. Si Alex
paunti-unti and pikit.Ang mga tao tulog-gising.Ang ibang mga pasaheronakataas
ang mga paa. Kapag sathird class ka
nakasakay, halos walang ayus. Walang
namber and upuan. Pero kahit ganoon
kagulo marami pa rin ang may mababait na kaluluwa at handang tumulong lalo na
kapag may bata. Mailap ang bawat isa,
ngunit pawang buo ang bawat loob.
Alas-dos
na ng gabi. Tumigil muli ang
tren.Nagbaba ng ilang mga pasahero.
Alex
bakit hindi pa umaandar? Ang tagal ng
hinto?
“Huwag
kang magalala, aalis na tayo. Ilang
sandali na lang.”
Maya-maya
may mga taong papalapit.
Nagsisigawan.Isang grupo. Ang mga
tao sa loob naalarma.
“Sa
pinto, sa pinto, bantayan ang mga pinto!”sigaw ng kalalakihan. Hindi ko alam kung bakit. Matindi ang takot ko. Mabilis bago makalapit ang grupo umandar na
ang tren.Ang ibang mga babae, nagsigawan sa takot. Nagkwentuhan ang mga pasaherong
mailap.Nagdamayan.Nagsiinom ng tubig.Nagbigayan ng mga baon.
“Malamig
ang mga kamay mo. Halika dito.”Niyakap niya ako ng mahipit. “Matulog ka sa akin.” Pinasandal ako ni Alex sa dibdib niya. Sumandal ako.
Yumapos at inilapit ang buo kong katawan dahil sa takot. Para akong bata na naghahanap ng kumot. Ipinikit ko ang aking mga mata.
“Matulog
ka na.” Hindi ako makapagsalita. Ramdam ko hinalikan niya ang aking noo. Pinabayaan ko siya. Pagkatapos hinalikan niya ang aking pisngi,
ang aking mga mata, ilong, labi. Masarap
siyang humalik pero hindi ako makaganti sa takot.
“Nandito
lang ako.Magpahinga ka muna.”
Lagi
kong hinihintay ang text ni Alex. Simula
ng maghiwalay kami sa tren sa celfon na lang ang usapan namin. Hindi pa kami muling nagkita pero parang
matagal na kaming magkakilala. Alam niya
ang buhay ko.
“Tuloy
tau mamaya sa Makati na lang.”
San?
“Sa
Walter Mart.May ibibigay ako sau.”
“Sige. Anong ibibigay mosa ‘kin? Tiket sa tren? Pabiro kong tanong.
Sagot
ng text ni Alex, “Singsing!”
/Rosalinda
flores martinez. Katinigwriters 2014