May 6, 2010
Story:
Faith, Love, Time and Dr. Lazaro by Greg Brillantes
Pagsasalin:
Paniniwala, Pag-big, Panahon at Si Dr. Lazaro
Mula sa veranda sa itaas, natatanaw ni Dr. Lazaro ang mga bituin ang kadiliman sa nayon, ang mga ilaw sa malayong highway sa gilid ng bayan. Itinututog ng ponograpo ang isang piyesa ni Chopin – para bagan pinipigilang isang malalim na pighati, na kilala ng tulad ng nakasanayan niyang isipin. Ngunit habang siya ay nakaupo doon, ang kanyang payat na katawan, sa kanyang nakagawiang nakahandusay na pagkakakhiga tulad ng karaniwan, pagkatapos ng hapunan, nakatitig sa kapatagan ng gabi na pumupuna sa mga banayad na imahen at kahit sa isang uri ng kapayapaan din (sa huli, matmis at di-magaping paglimot), walang naalala si Dr. Lazaro, ang kanyang diwa di madampian ng alin mang kamalayang isipan, di man lamang niya mapansin ang init ng Abril, ang himig ng musika umiikot sa kanya at tahasang nawala, mabilisang nawala, di-naunawaan.
Para bagang ang pagwawalang – bahala ay impeksyon a pumasok sa kanyang dugo, laganap sa kanyang katawan. Sa managlat na ilaw galling sa sala and kanyang patulis na muksha ay may magabokd at maduming hitsura, ang kanyang mga mata lamang and mayroong buhay. Maaaring siya ay nanduon lamang ng gabing, hindi gumagalawy, at nakalibing, n asana, sa kakaibang pagkakatlog, kung ang kanyang maybahay ay hindi sana pumunta para sabihin sa kanya na kailangan siya sa telepono.
Unti-unti and kanyan isip ay napukaw, nakapokus; habang siaya ay tumayo sa silya, nakilala siy ang mapanglaw na mga taludtod sa sonatana, may di-karaniwang nagpaisip sa kanya ng sinaunang monumento kupas na mga batong dingding, makulimlim na abo. Inihanay ng utalk ang mga imahen, ang pagsasaayos ng maga tunog ang napalabas …pinatay niya ang ponograpo, piniglan ang di-mspa lagay na panginginig ss kanayang lalamunana habang iniaabot ang telepono: lshsy sy msy psh-sngkin sa kanyang oras. Naisip niya: Bakit hindi ang mga nakababata para may pagbababgo.? Mahaba ang araw na ginugol niya sa probinyal hospital.
Ang lalaki ay tumatawag galing sa gasolinahan sa ibayong bayan – ang estasyon pagkatapos ng agricultyural high school, at bago sa tulay ng San Miguel, ang lalaki ay nagdagdag ng hindi kinakailangan, sa boses na naghuhumindik sa pananangis ngunit may kakatwag pagsupil at paggalang. Narinig na ni Dr. Lazaro ito ng pangilang beses, sa mga pasilyo ng ospital sa mga silid- hintayan: ang patuloy na asiwang kahirapan. Siya si Pedro Esteban, ang kapatid ng tenant ng doctor sa Nambalan, ang sabi ng tinig, pinipilit nito na gawin ang sarili na hindi iba.
Ngunit ang konkesyon ay may diperensya, may ingay sa mga linya, parang idinagdag ng kadiliman sa kalayuan ng bahay sa bayan at ng gasolinahan sa ibayong kabukiran. Bahagyang natanto ni Dr. Lazaro ang mga katagang mabibigat. Ang ‘sang linggong sanggol na anak na lalaki ay may mataas na lagnat, asul na kulay na balat; at bibig na hindi nila puwedeng madala ang sanggol sa poblasyon, ayaw nilang subukang galawin; sa konting masalt ang katawan ay naninigas. Kung ang doctor ay papayag na pumunta kahit hatinggabi, hinihintay siay ni Esteban sa estasyon. Kung ang doctor ay magiging napakabait…
Tetanus ng bagong panganak: iyon ay kitang-kita, at mukhang walang pag-asa, pagsasayang ng panahon. Sinabi ni Dr. Lazarong Oo, siya ay pupunta; ipinangako niya ang kanayang sarili sa ganoong sagot, noon pa man; tungkulin ang umako sa lugar ng pagod na pagkahabag. Ang mapagpabaya ng mahihirap, ang mga nakakahawang mga kumot, ang lasong papunta sa puso: sila ang laing mga nakasulat na mga bagay sa mga klinikal report. Ngunit sa labas ng mga bintanang binakalan, ang gabi ay parang buhay at naghihintay. Wala siyang ibang pagpilian kndi aksyon: ito lang ang tanging magpapatibay – minsang paalala niya sa sarili – bagamat ito ay magpapatuay na walang bias, bago paglusong sa kawalan.
Tumingala ang kanyang maybahay mula sa kanyang mga karayom at pisi, sa ilalim ng lampara sa silid; natapos niya ang ginagawa para sa apong nasa Baguio at sinimulan ang bagong gawain, ang tala niya, mga kasuotan pang-altar para sa simbahan ng parokya. Relihiyon at ang knayang apo ang umuokopa sa kanyan… Hindi niya tiningnan si Dr. Lazaro ng mabuti, para tanungin: isang malaki at matahimik na babae.
“Hindi dapat pinauwi ang drayber ng napa-kaaga,” sabi ni Dr. Lazaro.
“Kailangan maghintay sila ngayon bago tumawag … Ang bata ay malamang na patay na…”
“Si Ben ay puwedeng mag-drvie para sa iyo.”
“Minsan ko lamang Makita ang batang iyan sa paligid ng bahay. Parang siya ay nasa bakasyon ng bahay at eskwelehan.”
“Siya ay nasa ibaba,” sabi ng kanyang maybahay.
Nagbihis si Dr. lazaro ng bagong kamiseta, pabiglang galaw, ibinutones na ninerbyos. “Akala ko lumabas na naman siya … Sino iyong babaeng lagi siayng nakikipagkita?... Hindi lamang mainit, napakainit. Sana dumuon ka na lamang sa Baguio… May mga sakit, paghihirap, kamatayan, dahil kinain ni Adan ang mansanas. May sagot dapat sila sa lahat…” Tumigil siyang sandali sa pintuan, para sa alingawngaw ng kanyang mga salita.
Itinuloy ni Gng. Lazaro ang kanyang pagnitin; sa pabilog na sinag ng ma-dilaw na ilaw, nakayuko ang kanyang ulo, siya ay parang nakabuhos sa mataimtim na pagdarasal. Ngunit ang kanyang katahimikan ay nawala para gambalain siya, katulad ng plaster ng maga santong itinatago niya sa silid, sa kanilang mga lalagyang salamin, o kaya ang kanilang sabwatan, kung lumalabas siayng kasama si Ben para sa mga misa tuwing uamaga. Si Dr. Lazaro ay magsasalita tungkol sa miracle drugs, politico, musika, ang paliwanag ng kanyang di-paniniwala, iba’t-ibang bagay na pinagsama-sama sa isang monolog; nagbabanggit siya ng mga tanong, nagbibigay ng kanyang sariling mga sagot; at si Gng. Lazaro ay tatango lmang, na may minsa’y pagsang-ayon ng “Oo?” at “Totoo nga ba?” at para bagang may anino ng pagaagam-agam sa kangyang titig.
Nagmadali siyang pababa sa palikong hagdan, sa ilalim ng mapangakong lampara ng Sacred Heart. Nakahilata si Ben sa sofa, sa bungad sa sla, abalang-abala sa isang libro, na may isang pang nakadagan sa likod ng kushiong sofa. “Halika, tayo ay may pupuntahan,” ang sabi ni Dr. Lazaro, at nagonta sa klinika para sa kanyang medical bag. Nagdagdag siya ng isang maliit na bote ng penstrep, isang ampule ng “caffeine” sa laman ng satyel, at tiningnang muli ang bag bago isinarado; ang “catgut” ay magkakasya para sa isang pasyente na lamang. Makakagamot lamang ang isang doctor , ngunit hindi malalaman ang mangyayari pagkatapos ng trabaho… May isang lalaki kanina sa ospital: ang sakit na dulot ng cancer ay hindi nakayanang sugpuin ng mga doses ng morpina ; ang mata ng pasyente ay pumipilantik ng kawalan ng pag-asa na makikita sa naaagnas na mukha. Mabilis na lumabas si Dr. Lazaro sa malakarburong maputing silid; nagbalik siya sa kanyang elemento, sa mga ineksyon, bakal na pang-operang mga instrumento, mabilis na desisyong walang pandamdam, at biingyan siay nito ng paurol na lakas.
“Ako ang magmamaneho, Pa?” Sinundan siya ni Ben sa kusina, kung saan pinaplantsa ng mga katulong ang isang linggong nilabhan, nagtsitsismis, at sa labas ng bakuran nalambungan ng kadaliman ng iisang bombilya sa ilalim ng medya-agua. Itinulak ni Ben an sumasarang pinto ng garahe at nagmaneho na.
“May naghihintay sa gasolinahan malapit sa San Miguel. Alam mo ba ang lugar?”
“Pihado,” sabi ni Ben.
Bumusa ang makina ng saglit at tumigil. “Ang baterya ay mahina,” ang sabi ni Dr. Lazaro. “Subukan mo nang patay ang mga ilawy,” at naamoy niya ang pag-apaw ng gasoline smantalang ang lumang Potiac ay gumiray sa paligid ng bahay palabas sa sala-slang geyt, ang knyang harap sumisinag sa tuyo at maalikabok na kalye.
Pero siya ay maayos, naisip ni Dr. Lazaro habang sila ay madaling kumurba sa pangunahing kalsada ng baying, pagkatapos ng simbahan at saka ng plasa, ang kiosko ay ipinapakita sa panahon ng mga piyesta, ang mga lamparang poste susinag sa mathimik na plasa. Hindi sila nagsalita, nararamdama niya ang konsentrasyon ng kayang anak sa kalsada, at itinala niya na may pansamantalang kaligayahan, ang napakatinding paka-hawak ng anak sa manibela, ang kanyang hangad na makatulong. Dumaan sila sa di-kagandahang mga gawang bahay sa likod ng palengke, at sa Kapotolyo sa tnawing burol, sa maginhawang pagkambyo sa kanilang pagpunta sa riles na tumatawid sa aspaltong kalsada.
Pagkatapos ang daan ay mabato at hindi patag, umaalma ng bahagya ang sasakyan; at sila ay tumatakbo sa gitna ng mga bukid, sunod-sunod na makikitid na mga tulay nagpapatigil sa langutngot ng mga gulong . Tumanaw si Dr. Lazaro sa halos madilim na paligid nila, ang mga korte ng mga puno at palumpong pumupukol papunta sa kanila at dumudulas papalayo, at nakita niya ang mga bituin matitigas na kislap ng mga ilaw, gumagalaw kasama ng sasakyan. Naisip niya ang magaan na mga taon, maitim na kawalan, walang-hanggang kalayuan; sa hindi masukat na daigdig, ang buhay ng tao ay sisiklab ng panandali at pagkatapos ay mawawala, di-mababakas sa papawirin. Tumalikod siya sa kawalan, sinabi niyan “Mukhang ikaw ay praktisado sa marming bagay, Ben.”
“Sa anong mga bagay, Pa?”
“Sa iyong pagmamaneho. Masyadong propesyonal.”
Sa liwanag ng mga ilaw ng awto, lumubay ang mukha ni Ben, at ngumiti. “Pinagagamit ni Tiyo Cesar ang awto niya sa Maynila kung minsan.”
“Wala nang walang taros na pagmamaneho ngayon,” sabi ni Dr. Lazaro. “Akala ng ibang tao ito ay kalistuhan. Binibigyan sila ng pakikipagsapalaran. Huwag kang maging ganon.”
Pinagmasdan ni Dr. Lazaro ang batang mukha na nakatuon sa kalsada, isang puyo s amay taas noon, ang maliit na kurbada ng ilong, ang kanyang sariling mukha bago bago siya umalis para makag-aral sa ibang bansa, isang estudyanteng puno ng mga haka-haka, noong una, bago mawala ang pananampalataya, ang Diyos na mahirap manunawaan, hindi maintindihan, at kahit saan, para sa kanyang ang mga walang kabuluhang aksidente ng pagkakasakit.
Nagkarron siya ng pangangaliang para maipaliwanag ang mga bagay-bagay, para maging malapit kahit papaano sa iisa niyang anak; isa sa mga darating na araw, bago matapos ang
Bakasyon nin Ben, maaari silang magpiknik na mag-ama, bumiyahe papuntang bukid, isang espesyal na araw para sa knilang dalawa – ama at anak, at mga kaibigan din. Sa dalawang taong nasa kolehiyo si Ben, nagsusulatan sial ng maiikling mga pormal na sulat; ang iyong pera ay parating na, ito ang pinakamabuting mga taon, smantalahin…
Ang oras ay nagdaraan patungo sa kanila, na paikot-ikot at pedals umaalis, at parang naririnig ni Dr. Lazaro ang malalim at napakalakas na sigaw; at sa pagdiskubre ng higis ng mukha ni Ben sa dumadaloy na dili,. Nagkaroon siya ng pagka-uhaw para magsalita. Hindi niya matagpuan kung ano ang kailangan niyang sab
Ang agrikultyural na paaralang mga gusali ay makikita sa mga maliliwanag na ilwa at susasalimbay pabalik sa malabong mga hugis sa mga bakod.
“Ano nga ang iyon librong binabasa, Ben?”
“Isang talambuhay” sabi ng binata.
“Sa isang estadista? O scientist kaya?”
“Ito ay tungkol sa isang lalaki na nagging mongha.”
“Iyan ang iyong babasahin para sa summer?” So Dr. Lazaro ay nagtanon ng mya bahagyang pagngit, medyo may pag-insulto, medyo may pagmamahal. “Nagiging kang lagging parang santo, katulad ng iyong ina.”
“Ito ay kawili-wiling libro,” sabi ni Ben.
“Naipapalagay ko nga….” Itinigil niya ang mapanuksong boses.” Siguro magpapatuloy ka sa medisina pagkatapos ng iyong A.B.?”
‘Hindi ko pa alam, Pa.”
Maliliit na gamu-gamong parang mga inihipang kapiranggot na mga papel and lumipad patungo sa salamin ng awto at parang umimbudo papataas sa kanila. “Hindi mo kailangan maging probinyals doctor katulad ko, Ben. Maarin kang magsanay sa lungsod.
Magpakadalubhasa sa kanser, baka sakali, o kaya san euro-surgery, at magtrabahao sa isang malaking ospital.” Para bagang ito ay pagbabalik sa kakaibang kasiyanhan, sa awto, sa pagaagaw dilim.
“Iniisip ko nga iyon,” sabi ni Ben. “Ito ay isang tungkulin, na napakabigat. Para tutoong makatulong sa tao, ang ibig kong sabihin.”
“Npakahusay mo s a Math, hindi ba?”
“Totoo nga, marahil,” sinabi ni Ben.
“Maganda ring kurso ang Engineering,” sabi ni Dr. Lazaro. Maraming mga bakante para sa mga enhinyero. Mga nagpaplano at mga magtatayo, sila ang kailanga ng bansang ito. Masyado nang maraming gma abogado at mga dispatsador sa panahon ngayon. Ngayon kung ang iyong kapatid – “Ipinikit niya ang kanyang mga mata, binubura ang hiwang mga pulso, patay na bahagi ng hinaharap sa isang pangaserahang-silid, ang kasera ay ngumumnguyngoy, “Siya ay isang napakabait na bata, doctor, ang iyong anak….” Ang dalamhati ay nagtatambang sa mga taon.
“Nasa akin gang buong bakasyon para pag-isipan,” sabi ni Ben.
“walang pagmamadali,” sinabi ni Dr. Lazaro. Ano ang gusto niyang sabihin? Mahalagang bagay tungkol sa pagkakalapit nilang dalwa, tungko sa pagsasama; hindi, ito ay hindi tanging iyon….
Ang estasyon ay bumungad sa pamamabay nila sa mababang burol, ang mga ploresent na ilaw ang tanging liwanang sa kapatagang humaharap sa kanila, sa kalsada na nagdadala sa kanila sa kailaliman ng ilim. Isang pangkargamentong trak ang nagpupuno ng gasolinda samantalang sila ay nagmamaneho sa kondretong daan at umigil sa katabi ng silungan ng estasyon.
Isang mababang lalaking nakayapak na may tagpi-tagping damit ang papunta para salubuning sila. “Ako po si Esteban, doctor,” ang sabi ng lalaki sa tinig na malamlam at malat, halos hindi marining, at yumuko siyang bahagya na may paggalang. Nakatayo siyang napakurap, nakatingala sa doctor, na kumuha ng kanyang bag at flashlight galling sa awto.
Sa walang hanging kalawakan, naririning ni Dr. Lazaro ang pilit na paghinga ni Esteban, kumalangsing ang takip na metal sa pagpapalit ng attendant ng bomba. Naguusyoso abg mga lalaki sa trak.
Sinabi ni Esteban, na itinuturo ang kadiliman sa dulo ng kaksada: “Kailangan tayong dumaan sa mga bukid na iyon, doctor, at pagkatapos ay tumawid sa ilog.” Ang pagpapaumanhin para sa isa pang pahirap ay makikita sa pagsusumamo ng kanyang mga mata. Idinagdag niya sa boses na mahina: “Hindi masyadong malayo…” Nagsalita si Ben sa attendant at ikinandado ang awto.
Humugong ang trak at gumalaw ng mabagal papunta sa kalsada, ang pintig ay malakas at pagkatapos ay humihina sa mainit na gabing tahimik.
“Ituro mo ang daan,” sinabi ni Dr. Lazaro, ibinibigay kay Esteban ang flashlight.
Tinawid nila ang daan, patungo sa pilapil na pumapalibot sa lngan. Pinagpapawisan si Dr. Lazaro ngayon sa init; sumusunod sa umuugoy na bola na sinag ng flashlight, napapaligiran ng di-mapigiliang gabi, naramdamam niyang siya ay kinakaladkad, na walang awa, sa isang malaki at napakagulong pagkakamali, isang walang napakagulong pagkakamali, isang walang kuwentan seremonya. Sa dako ng kanyang kaliwa ay may pumaitaas na pagaspas ng mga pakpak, siang ibong umiiyak sa hindi makitang mga dahon: naglalakda sila ng matulin, at nanduon lamang ang tunog ng katahimikan, ang palaging kagalkal ng mga kuliglig at ang bulong ng kanilang mga paa sa pagitan ng daan ng mga pinaggapasan na bukid.
Malapit at kasunod si Ben, sinundan ni Dr. Lazaro si Esteban pababa sa luad na dalisdis patungo sa tampal at munting alon ng tubig sa dilim. Nasinagan ng flashlight ang isang bangka sa may tabing-ilog. Lumakad si Esteban sa lalim-baywang ng tubig, at hinawakana ng bangka habang si Dr. Lazro at sib en ay sumakay. Sa kadiliman, ang kabilang pampang ay parang isang malayong isla, si Dr. Lazaro ay nagkaroon ng pansamantalang takot nang ang bangka ay pumadausdos sa maitim na tubig; sa ilalim ng pagala-galang agos; upang malunod dito sa kalaliman ng gabi … ngunit isang minuto lamang ang biyahe. “Nandito na tayo, doctor,” sabi ni Esteban, at sial ay sumulong sa haba ng buhanginan sa maraming mga puno; isang aso ang nag-umpisang tumahol, ang anino ng de-gas na lampara umaandap-andap sa bintana.
Marahan sa matarik na hagdan, pumasok si Dr. Lazaro sa kuweba na barong-barong ni Esteban. May kakibang amoy ang iisang silid na palagi niayang nakakasagupa ngunit nagging dayuhan ditok nakapupukaw ang impersonal na pagkasuya: ang maasim na pagkabulok, ang amoy ng di-naiinitang may sakit. Isang matandang lalaki ang bumati sa kanya, nauutal walang pag-uugnay; sa isang babae, ang lola, ang nakaupo sa isang tabi, sa ilalim ng kuwadro ng Mother of Perpetual Help; isang batang lalaki, may sampumg taon, natutulog, nakahandusay sa banig. Maputla at mapayat ang asawa ni Esteban, nakahiga sa sahig katabi ng may sakit na nak. Hingi gmagalaw, ang maliit na halos kulay asul na mukha, malayo sa dibdib sa nakasimangot sa pagkangibit, ang sanggol ay parang nahihirapang magpahayag ng kahilahilakbot na sinaunang karunungan.
Nag-check ups si Dr. Lazaro ng pahapaw- ang balat ay malamig; ang paghinga ay mababaw; pinitg ng puso ay mabilis at irregular. At sa pagkakataon na iyon, taning ang bata ang naroon sa haroa niya, tanging ang bat at ang kanyang isipang nagpapatunay tulad ng isang matingas at kumikinang na instrument. Katakataka kung ito ay mabubuhya pa, sabi ng knaynang isip samantalang maingat niyang nakita ang katiting na siklab sa matigas at malabis na paghihirap ng katawan. Siya lamang at ang bata, ang kabuuan niya ay nakatuon dito sa napakatinding mga minutong hinubog sa isang nakaugalinang maraming mga pagkakataon; ang kanyang kaalaman bilang doctor na nagsusumikap para patibukin ang puso, para ibalik ang humihinang buhay at para sa ganoon ay palakasin mulin.
Inalis ni Dr. Lazaro ang mga kumot na bumalot sa bata at inutrukan ng isang boteng ampule para masubukan ang silakbo ng gamot, ang karayom na tumuturok sa kaunting laman; nagbukas muli siya ng isa pang ampule, ng masubukan ang silakbo ng gamut, ang karayom na tumuturok sa kaunting laman; nagbukas muli siya ng isa pang ampule, ng may eksaktong paggalaw, at inubos and ineksyon, smantalang ang sangglol ay nakahigang matigas na parang kahoy sa kanyang mga kamay. Pinunasan niya ang pawis nadumaloy patungo sa kanyang mga mata, at hinawakan ang matingas na katawan ng isang kamay, sinikap niyang mabigyan ng hangin ang mahinang mga baga, idinidiin at binibitiwan ang dibdib; ngunit habang nagsusumikay siya para buhayin ang bata, ang pagka-asul na kylay ng kanyang mukha ay nagging kulay-abo.
Tumindig si Dr. Lazaro sa pagka-kayukyuk sa sahig, may sakit ng pulikat sa kanyang mga balikat, ang bibg ay tuyo. Suminag sa kanyan maputla, hungkag na mukha ang ilaw ng lampara samantalang hinarap niyang muli ang silid, ang dating init, ang kahirapan. Hinarap ni Esteban ang kanyang titig; lahat ng kanilang mga mata ay nakatuon sa kanya, nasa pinto si Ben, ang matandang lalaki, ang babae sa gilid, at ang asawa ni Esteban, sa nakagninginig na mga anino.
Sinabi ni Esteban: “Doktor..”
Ikiniling niya ang kanyang ulo, at inilagya ang lalagyan ng ineksyon sa kanyang bag, dahn-dahan at sadya, isisnara ang clasp. May mga bulong sa kanyang likod, kaluskos sa kawayang sahig, at sa kanyang pag-ikot, si Ben ay nakaluhod sa tabi ng bata. At siya an nanuod sa pagod at puknat na pagka-gulat, smantalang ibinuhos ni Ben ang tubig galling sa bao ng niyo sa may kilay ng bata. Nahuli niya ang mga salita sa bahagyang pagbulong sa katahimikan: “… sa ngalan ng Ama… ng Anak… at ng Espiritu Santo…”
Pumagaspas ang mga anino sa mga dinding, ang puso ng gasera nanginginig bago lumiit ang apoy. Sa may ilog ang mga aso ay tumatahol. Sumulyap si Dr. Lazaro sa kanyang relo; malapit nang mag-alas dose ng hatinggabi. Nakatayo si Ben sa may bata, ang bao sa kanyang mga kamay, parang nagiisip kung ano ang susunod na gagawin dito, hanggand Makita niya ang kanyang amang nagpahiwatig na aalis na sila.
“Doktor, sabihin ninyo pos a amin – “papalapit na sabi ni Esteban.
“Ginawa kong lahat ang aking makakaya,” sinabi ni Dr. Lazaro. “Huli na ang lahat – “ Ipinahiwatig niyang marahan, na may bahagyang hinanakit; sa konting mapahiwatig na relasyon, siya rin ay responsible, sa kalungkutan sa silid, sa kawalan ng pag-asa. “Wala na akong magagawa pa, Esteban,” sabi niya. Inisip niya na may pagkakagalit: Mabuti nga ang mga bata ay hindi na mahihirap, magpasalamt kayo. Nagsimulang umiyak ang asawa ni Esteban, pinipigil ang paghikbi, at ang matandang babae ay inaalo siya.” Ito ang kaloob ng Diyos, aking anak…”
Sa bakuran, maingat na ibinigay ni Esteban ang mga nakatuping salapi sa kamay ng Doktor; ang malata, gulanit na dama sa pera ay kasama sa walang-saysay na paglalakbay. “Alam kong hindi ito sapat, doctor,” sabi ni Esteban. “Sa nakikita mo kami ay napaka-hirap… Dadalhan kita ng prutas, mga mank, baling araw…”
Ang palubog na buwan ay tumataas, papaitaas sa mga punong-kahoy, at ang papalabong liwang ng ilaw nito, sinamahan silang myli ni Esteban pabalik a bangka. Umalon-alon ang kumikislap na ibabawy ng tubig sa kanilang pagsagwan papakaibang ibayao; ang maputing liwanag ng buwan lumaganap sa langit, at ang mabilis na hangin ay lumuksong parang ulan at nawala sa mga puno sa may tabi ng ilog.
“Hindi kita lubos na mapapasalamatan doctor,” sabi ni Esteban. “Napakabait mo para pumunta ng ganito kalayo, sa ganitong oras.”
Nakatayo sila sa luad na tabing ilog, sa mga anino ng buwan katabi ng kumikislap na tubig. Sinabi ni Dr. Lazaro: Bumalik ka na, Esteban. Alam na naming ang daan papunta sa kalsada. Ang daan ay duon lamang, hindi ba?” Gusto niyang paalisin na ang lalaki, para mawal sa nahihiyang tinig, sa napakahabang-paghamak.
“Lagi akong magpasalamat doctor,” sabi ni Esteban. “At sa inyong anak, din. Patnubayan kayo ng Diyos.” Siya ay may papalayong tinig papunta sa mga anino, isang inbisibol na tao sa hamak na mga grupo kapag araw ng pamamalengke.
“Halika na, Ben” sabi ni Dr. Lazaro.
Sinundan nila ang daan papatawid ng bukid; sa paligid nila ay bingaong anyo ng liwanag ng buwan ang tanawin, ipinapakita ang mayumi, malapit na sukat, ang nagliliwanag na ulap sa mga masisilang punong kahoy kasama ng pumapaotaas na hangin: at ang init ng gabi ay nagdaan, ang lamig ay bumababa galling sa malawak na kalangitan. Di nagmamadali, ang kanyang kilos ay karaniwan lamang, nadama ni Dr. Lazaro na naglalaho ang pagsiil ng gabi sa kanya; ang pagwa-walang bahala na kaayusan ay bumalik sa kanyang isipan. Ang maya ay hindi nahuhulog na hindi nalalaman ng kanyang Ama, tingingala niya ang langit, ngunit nahuhulog din ito. Ngunit hanggang saan ang pagdurusa ng isang bata? Ang mga kuliglig ay humuni ng tiwasay sa dilim ng papaplubog na buwan sa ilalim ng mga puno.
“Bininyagan mo ang bat,” hindi ba, Ben?”
“Oo, Pa.” Ang binata ay nag-ayos ng kanyang sarili.
Dati rin siyang naniniwala sa ganoon, ang kapangyarihan ng Espiritu Santo na hinuhugasan ang kasalanan, ang malilnis na kaluluwa taga-pagmana ng lanigt. Natatandaan niya ang mga kapirasong nakaraan ng kanyang kabataang mga pininiwala, at ang matatandang malayong mangyaring mga pangarap.”
“Binyag ng karaniwang tao, hindi ba iyon ang tawag doon?”
“Opo,” sabi ni Ben. “Tinanong ko ang ama. Ang sanggol ay hini pa binyag.” Idinagdag niya habang sila ay papalapit sa daang naghihiwalay ng bukid sa kalsada. “Hininhintay nilang ito ay gumaling.”
Magandang kinagawian; ito ay nagpakita na ang binata ay may tals ng pag-iisip, paniniwala, ngunit ano pa? Tuturuan siya ng mundo ng mas maraming kaalaman.
Nasara ang estasyon, na may kanoping sindi at ang logo nitong umiilaw na lamang. May ihip ng hangin sa gitna na parang, sa naliliwagang linang.
Nakita niya si Ben na humihikab. “Ako ang magmamamneho,” sinabi ni Dr. Lazaro.
Hindi katulad ng dati ang kanyang mga mata, nag mamaneho siyang nakahilig, papalapit at humahawak ng mahigpit sa manibela. Pinangpawisan siyang muli, at ang walgn taong daan, at and pagkahuli at ang pag-iisip kay Esteban at nang kanyang anak na namatya bago mag-umaga sa isang napakahirap, sinindihang lampara kasama ng pagod. Nag-isip din siya tungkol sa kanayng isang anak, iyong isang nawala.
Sinabi niya, gusting makipag-usap, “Kung ang ibang tao ay tulad mo, Ben, ang mga pari ay mawawalan ng trabaho.”
Nakaupo ang binata sa tabi niya, iniwas ang mukha, hindi sumasagot.
“Ngayon, may angel ka nag magdarasal para sa iyo sa langit,” sabi ni Dr. Lazaronng, nanunukso, pilit na pinagagaan ang loob nilang dalawa. “Paano kung hindi mo bininyagan ang bata at ito ay namatay? Ano ang mangyayari dito?
“Hindit nito makikita ang Diyos,” sabi ni Ben.
“Ngunit hindi ito makatarungan?” Para itons isang bugtong, maliit ngunit pag-iisipan. Dahil lamang…-“
“Marahail may ibang paraan ang Diyos,” sabi ni Ben. Hindi ko alam. Ngunit sabi ng sinasabi ng simbahan –
Nararamdaman niyang ang binata ay naghahanap ng kapani-paniwalang mga sagot. “Itinuturo ng simbahan, sinssabi ng simbahan …”Diyos: Si Jesus: ang komunyon ng mga Santo: Nakita ni Dr. Lazaro ang kanyang pagtatanong tungkol sa mga novenas at mga kandila, kung saan ang inapay at alak ay nagging katawan at duo ng Dyos, at and babaeng puno ng ilaw ay nagpakita sa mga bata, ang sangkatauhan ay nag-uusap tungkol sa walng-hanggang buhay, ang pananaw tungkol sa Diyos, ang pagkabuhay at katawan sa katapusan ng panahon. Para itong isang bansang pinagbawalan; kahit ano pa ang kinagawian, hindi siya naakit ng heograpiya. Ngunit sa loob ng awto, samantalang sila ay tumatakbo sa gabi, nararamdaman niya ang malabong kasiyahan, ang kabigatan sa puso, para bagang pinagkaitan siya ng kaligyahan…
Isang bus ang umugong patugno sa kanila, ang mga ilaw nitong nakabubulag , at minaneobra niya papunta sa gilid ng daan, sadyang nag-brake, samantalang maraming mga alikabok ang pumunta sa kotse. Hindi niya isinarado ang bintana sa kanyang tabi, at ang bintana sa kanyang tabi, at ang lumipad na buhangin ay pumasok, ang mga alikabok na halos sumakal, nag-paubo sa kanya, ang mga mata niyang napaluha bago pa niya
Matakpan ang kanyang mukha. Sinala ng mga headlights ang mga alikabok at nang ang hangin ay malinaw na muli, sa pagkakaklunok ni Dr. Lazaro ng lupa, ng kadiliman, ibinalki ang awto sa kasada, ng kanyang mga brasong pagod at walang pakiramdam. Nagmaneho siya patungo sa bayan ng tahimik, ang kanyang isip walang naaalala kundi ang buhangin sa kanyang bunganga at ang walang lamang kalsadang di-kumadalas sa kanyang harapan.
Nakarating sila sa natutulong na byan, ang malulungko na kalye, ang plasang walang laman sa liwanang ng buwan, at ang nagsisiksikang hugis ng mga bahay, ang mga lumang mga bahay na kangawian ni Dr. Lazaro. Ilang gabi na siyang nagmamaneho ng ganito sa tahimik na bayan, pagkamatya ng isang tao, o di kaya ng isang bata na umiiyak galling sa sinapupunana; at ang pagpapalit ng galaw, ng pagbabago, ng mabilis na pagdaraan ng mga araw patungo sa katotohanang tumampi sa kanyang muli, panandali, at hindi pa rin niya mahanapan ng mga kataga. Lumiko siya sa huling kanto, at minamaneho ang kotse sa batuhang driveway patungo sa garahe, smanatalng isisnarado ni Ben ang gate. Umupo sandali doon si Dr. Lazaro, ng hindi gumagalaw, pinapahinga ang mga mata, may maly sa patuloy na pigtibok ng kanyang puso, at huminga ng amoy na alikabok na kumapit sa kanyang damit, sa knyang balat. Marahan siyang bumaba sa awto, ikinandao ito, at pumunta sa tabi ng mataas na tangke ng tubig kung saan naghihintay si Ben.
Sa di-kinasanayang pagiging magiliw tinapik niya sa balikat si Ben at pumasok sa sementong bhay. Galing sila sa isang paglalabay; sbay silang nakauwi ng ligtas. Nadama niya ang paglapi sa binata ngayon, kesa noon.
“Ipagpaumanhin mo ang pagpapauwi sa iyo ng gabi,” sabi ni Dr. Lazaro.
“Walang anuman, Pa.”
“Sa ibang gabi, huh Ben? Iyong ginawa mo doon sa baryo” – nanduon ang pasuporta sa kanyang tono – “matutuwa ang iyong ina na marinig ang tungkol dito.”
Hinawakan niya ang binata ng marahan. “Reverand Father Ben Lazaro.” Ang bugso ng biglang pagpapatawa. – ito ay kasali sa pagkakaibigan. Nanggigil siyang inaantok: “Fathre Ben Lazaro ano ang aking gagawin para magkaroon ng walang hanggang buhay?”
Samantalang binuksan niya ang pinto sa igpaw ng kadiliman, ang nakasanayang kaibuturan ng tahanan, naisip ni Dr. Lazaro sa lalim ng gabi na katulad ng ibang bagay, tulad ng pag-ibig, kulang ang panahon. Ngunit ang kislap ng madaling nawala, inilibing sa ulop ng walng-pagkabahala at atok na umaalsa sa utak niya.
Isinalin ni Rosalinda Flores Martinez
DSLU, MFACREA 2002/3, Dr. Zeus Zalazar
Posted by author for http://iwrotefiction.blogspot.com
September 17, 2010
Friday, September 17, 2010
Thursday, September 9, 2010
Wednesday, September 8, 2010
Four Seasons with GOD
Four Seasons with GOD
Dear God, dear God
I give you myself
Split from skull to toe
Hold me
I give you myself
My hands and the work I do
Hold me
Talk my thoughts
My hands and the work I do
Let bloom like yellow flowers in spring
Talk my thoughts
A plethora of honey threads
Let bloom like yellow flowers in spring
Because I miss golden autumn
A plethora of honey threads
And breezy humming mountain
Because I miss golden autumn
When dancing ripples cup my tears
And breezy humming mountain
Waiting winter earth’s arm to hug like twin hearts
When dancing ripples cup my tears
How magnificent boats of pearls and seashells
Waiting winter earth’s arm to hug like twin hearts
Where we’d go summer dear God?
How magnificent boats of pearls and seashells
Seasons of life like melons and ponds of fruity icy cream
Where we’d go summer dear God?
Kiss me in prayers and hymn of love
Seasons of life like melons and ponds of fruity icy cream
Are you beside me dear God?
Kiss me in prayers and hymn of love
Till the time my breath fades and bones pound to ash
Are you beside me dear God?
Sweet four seasons a life dance
Till the time my breath fades and bones pound to ash
Never let go
Sweet four seasons a life dance
God hold me
Never let go
I give you myself.
Rose Flores Martinez
9.8.2010
4:10pm, Wednesday
rosevoc2
iwrotefiction
Dear God, dear God
I give you myself
Split from skull to toe
Hold me
I give you myself
My hands and the work I do
Hold me
Talk my thoughts
My hands and the work I do
Let bloom like yellow flowers in spring
Talk my thoughts
A plethora of honey threads
Let bloom like yellow flowers in spring
Because I miss golden autumn
A plethora of honey threads
And breezy humming mountain
Because I miss golden autumn
When dancing ripples cup my tears
And breezy humming mountain
Waiting winter earth’s arm to hug like twin hearts
When dancing ripples cup my tears
How magnificent boats of pearls and seashells
Waiting winter earth’s arm to hug like twin hearts
Where we’d go summer dear God?
How magnificent boats of pearls and seashells
Seasons of life like melons and ponds of fruity icy cream
Where we’d go summer dear God?
Kiss me in prayers and hymn of love
Seasons of life like melons and ponds of fruity icy cream
Are you beside me dear God?
Kiss me in prayers and hymn of love
Till the time my breath fades and bones pound to ash
Are you beside me dear God?
Sweet four seasons a life dance
Till the time my breath fades and bones pound to ash
Never let go
Sweet four seasons a life dance
God hold me
Never let go
I give you myself.
Rose Flores Martinez
9.8.2010
4:10pm, Wednesday
rosevoc2
iwrotefiction
Tuesday, September 7, 2010
Friday, September 3, 2010
Thursday, September 2, 2010
Wednesday, September 1, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)
-
February 6, 2010 FAITH, LOVE, TIME AND DR. LAZARO By: Greg Brillantes From the upstairs veranda, Dr. Lazaro had a view of stars, the...
-
January 11, 2010 Desire by Paz Latorena She was homely. A very broad forehead gave her face an unpleasant, masculine look. Her eyes, ...