Friday, October 31, 2014

Maikling Kuwento: Economy Class

June 24, 2014

Economy Class


“Kita tau?” nabasa ko sa iskrin ng aking selfon.  Napangiti ako. Itiniggil kong muli ang paghuhugas ng mga pinggan para makapag-text.
Kelan?
“Maya sa baba ng LRT.  Kain sa labas tapos, bahala na.Sige.  Tex kta maya kung tuloy.Miz na kita.”
Dalawang buwan na kaming magkakilala ni Alex.  Seatmate ko siya sa tren.
Dapat “first class with beds”ang  trennamin kaya lang  nagkaaberya.  Sabing train supervisor ay  mamili na lang daw kung gusto ang sunod na sleeper pero walang aircon o ang third class na paalis na.  Humingi ang supervisor ng patawad para sa PNR. 
“Ano pa nga ba ang magagawa ng mga pasahero,”  pakutya kong sabi para marinig ng marami.
Naghintay ang mga pasaherong gusto ng makaalis.
Ang third class ay walang aircon, walang sleeping beds, walang malambot na upuan. Ang mga ilaw ay parang kutitap ng gamogamu.Di tulad sa first class malamig at maluwang.  Sira ang carriage ng first class kaya ang mga pasaherong gustong makaluwas kaagad ay sumakay na rin.
“Bahala na, kung bukas pa ako luluwas ay hindi ako makakahabol sa meeting.”
Agawan kami sa pagpila sa ticket booth para ma-irefund ang pera.   Lahat nagbakasakali.  Pati ang apat na postoryosang senior citizens ay sumakay na rin.  Waring lahat kami sa first class ay may hinahabol.
Mabilis tumabi sa akin ang isang matandang lalaki. Grabe kung makatitig. Para akong kakainin.  Umalis ako sa tabi niya at nagawi ako sa pinto katabi ng isang babae at isang lalaki.  Nagusap kami ng katabi ko.Mayla ang pangalan ng babae.Natuwa ako dahil may kasama na ako.  Sa ilang sandali, lumipat si Mayla sa harapan dahil natakot sa katabi niyang lalaking mataba na siksik nang siksik sa kanya.  Sumenyas si Mayla sa akin.
Paalis na ang tren at tabi na nga kami ng lalaki at isang tineyger na may dalang lata ng biskuwit.
Ngumiti sa akin ang lalaki.  Ngumiti din ako.
“Bakit ka lumipat ?”  tanong ng lalaki.
Ayoko dun  sa dati.
Parang nahalata niya na natakot ako sa matandang lalaki.  “Takot ka dun sa mama?  Hindi ka aanuhin niyon.Matanda na si Tatay.”
Ayokong makipagsapalaran .Bastos siyang tumingin.Parang nanggigitgit pa ng katawan.
“Ako si Alex.”
Peechy.
Inilabas niya ang isang ID na nagpapatunay ng kanyang pagkatao.Isa siyang  agrikultyurist.
Ilang sandali pa umandar na ang tren. 
“Dapat hindi tayo dito nakasakay ngayon.  Sana nainform nila kaagad na may problema para napalitan agad ng ibang tren sa ibang araw.”
“Oo nga!Malaki and diperensya nitong PNR.  Dapat bigyang pansin ito ng gobyerno kasi inaasahan ang trenng  publiko.”
Ang trenay tatalon talon.Di gaanong mabilis.Ang mga katawan ng pasahero parang nakasakay ng kabayo.
“Diyos ko nakakatakot naman ang mga pintong dito, parang may giyera. Ang aluminom door  ay bukas- sarang humahampas.  Parang may labanan.
Natawa si Alexsa sinabi ko.
“May asawa ka na?”
Meron.
“Bakit hindi mo kasama?”
Nasa abroad.  Sa Dubai.
“Ako hiwalay.Kaya binata ako uli.  Ang ganda mo”   Misteryoso ang kanyang ngiti ngunit alam ko mabait siyang tao.
Pinagmasdan ko si Alex. Matikas.Mataas.  Moreno.  Ang mga bisig niya, maskulado at matatapang ang mga ugat.
Naging sagabal ang pinto ng tren sa akin,  sa diwa, pati na sa  pag-uusap namin.  Halos mapayuko ako sa takot na gustong magtago sa ilalim ng upuan.  Yun bang parang may kalaban ka na hindi mo nakikita.  Hindi ka man lamang makaganti.
Grabe naman ang pinto nila parang may sasalakay na mga terrorista .
Natatakot ka nanaman?  Huwag kang matakot, isipin mo ako ay sundalo.  Sanay ako sa bundok.  Tumawa siya.
Tumawa rin ako.
Pero kahit anong lakas at tapang niya grabe ang takot na bumalot sa akin nung gabing iyon.  Parang may dudukot ng likod ko sa bintana.  Parang may babaril sa bukas at sarang pintuan.  Parang may magtatapon ng Granada sa madilim na loob ng tren.
Marami sa amin ang waring hindi sanay sa third class na iyon dahil sa first class dapat kami nakasakay. Ang matandang babae sa harapan ko ang nagpalakas ng loob ko; ang akap niya ay ang kangyang higanteng kahon.  Waring sanay siya sa third class.  Nakihati ako sa nakita kong katapangan.
Ngunit sa paghampas na naman ng pinto ay nagulat akong muli.  “Diyos ko!”  Maluha-luha ako sa takot at hindi nagatubili si Alex.  Niyakap niya ako.  Mabilis at mahigpit niyakap ko rin siya.
Mayamaya tumigil mulisa isang estasyon ang tren.Bumitaw ang aming mga bisig.
Kalmadong muli ang mga pasahero. Tahimik ang lahat; maingat sa gabi.
“Iwan ko sa ‘yo ang gamit ko.  Punta lang ako sa comfort room.Ikaw?”
“Hindi, ayokong gumamit ng  toilet.”
Ngumiti sa akin si Alex. 
Naglakad siyang marahan, maingat para hindi madapa sa tren.  Malakas ang kanyang mga hita, matatas ang kanyang likod.
Ang bag niyang itim ay iniwan ngasa akin.  Parang gusto kong buksan upang malaman ko kung anong kulay ang bituka niya.
Maya maya pa bumalik  na si Alex.
Malinis ba ang toilet?tanong ko.
“Hehe, okay naman.CR ka na...”
Hindi.
“Ayaw mo lang yata,” parang nanunuya siya.
Ayaw ko talaga.  Isa isang lagok langng tubig ang iniinom ko.
“Hindi ka nagugutom?”
Hindi.
Andar ng andar and tren at marami pa kaming pinag-usapan.  Nawawala ng panandalian ang takot ko.  Pero bumabalik kapag biglang kumakalabog ang mga pinto.
Sa tuwing nahahalata niya ang sidhi ng takot sa ‘kin ay hinahawakan niya ang kamay ko.  Hinawakan ko rin siya.  Ramdam ko may  kapangyarihan ang kanyang mga kamay.
“Tulog ka na. Babantayan kita,” ang sabi ni Alex.
Okay lang ako. Ikaw na ang matulog at ako ang magbabantay.
Sa gabing iyong parang nakakita ako ng kasama sa biyahe. Malaking bulong ng aking puso ‘ Salamat po’. Marahil kung wala si Alex grabe na ang sakit ng utak at katawan ko sa takot.  Mabait ang Langit.
Payapang muli ang tren.Pawang lahat ng mga pasahero ay nakapikit.  Ang iba naman may headphones at nakikinig.
Ang ilaw sa loob ng tren ay kutitap ng isang wat lamang.Ano ba naman ang PNR?Sa isip ko kahit third class dapat may lock ang mga pinto, may wastong ilaw at malinis na toilet.  Dapat may gard din at kliner dahil 21st century na tayo. 
Ensure passengers’ safety! Ginising ko si Alex.  Di ba Alex?
Tumawa siya at iminulat ang mga mata.
Hindi ako makatulog sa lalim ng gabi.  Si Alex paunti-unti and pikit.Ang mga tao tulog-gising.Ang ibang mga pasaheronakataas ang mga paa.  Kapag sathird class ka nakasakay, halos walang ayus.  Walang namber and upuan.  Pero kahit ganoon kagulo marami pa rin ang may mababait na kaluluwa at handang tumulong lalo na kapag may bata.  Mailap ang bawat isa, ngunit pawang buo ang bawat loob.
Alas-dos na ng gabi.  Tumigil muli ang tren.Nagbaba ng ilang mga pasahero.
Alex bakit hindi pa umaandar?  Ang tagal ng hinto?
“Huwag kang magalala, aalis na tayo.  Ilang sandali na lang.”
Maya-maya may mga taong papalapit.  Nagsisigawan.Isang grupo.  Ang mga tao sa loob naalarma. 
“Sa pinto, sa pinto, bantayan ang mga pinto!”sigaw ng kalalakihan.  Hindi ko alam kung bakit.  Matindi ang takot ko.  Mabilis bago makalapit ang grupo umandar na ang tren.Ang ibang mga babae, nagsigawan sa takot.  Nagkwentuhan ang mga pasaherong mailap.Nagdamayan.Nagsiinom ng tubig.Nagbigayan ng mga baon.
“Malamig ang mga kamay mo. Halika dito.”Niyakap niya ako ng mahipit.  “Matulog ka sa akin.”  Pinasandal ako ni Alex sa dibdib niya.  Sumandal ako.  Yumapos at inilapit ang buo kong katawan dahil sa takot.  Para akong bata na naghahanap ng kumot.  Ipinikit ko ang aking mga mata. 
“Matulog ka na.”  Hindi ako makapagsalita.  Ramdam ko hinalikan niya ang aking noo.  Pinabayaan ko siya.  Pagkatapos hinalikan niya ang aking pisngi, ang aking mga mata, ilong, labi.  Masarap siyang humalik pero hindi ako makaganti sa takot.

“Nandito lang ako.Magpahinga ka muna.”

Lagi kong hinihintay ang text ni Alex.  Simula ng maghiwalay kami sa tren sa celfon na lang ang usapan namin.  Hindi pa kami muling nagkita pero parang matagal na kaming magkakilala.  Alam niya ang buhay ko. 
“Tuloy tau mamaya sa Makati na lang.”
San?
“Sa Walter Mart.May ibibigay ako sau.”
“Sige.  Anong ibibigay mosa ‘kin? Tiket sa tren?  Pabiro kong tanong.
Sagot ng text ni Alex, “Singsing!”


/Rosalinda flores martinez. Katinigwriters 2014

No comments:

Post a Comment